Ronji's POV
"Thank you for helping me Ronji. You may go back to school" pasasalamat ni Master
"Anytime"
Tumakbo ako ng mabilis at huminto saglit. Curious ako sa nangyari kay Master. Sigurado ako may alam yung witch sa nangyari kaya Master. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa bahay ng witch.
"Oh iho... anong ginagawa mo dito?"
"Alam ko po na may alam kayo sa nangyayari kay Master. Nakagawa nga po kayo ng lunas sa nararamdaman niya eh. Pakiusap po sabihin niyo sakin ang lahat ng nalalaman niyo" saka ako lumuhod sa harapan niya
"Napakabait mong bampira. Dahil dyan pumapayag ako na sabihin sayo lahat ng nalalaman ko. Umupo ka" saka nga ako umupo
"Ang nangyayari sa Hari niyo ay sintomas o senyales na mag eevolve ito"
"A-ANO? PERO IMPOSIBLE YAN! ISANG ROYAL VAMPIRE SI MASTER ALEX AT ANG ALAM NG LAHAT ANG ROYAL VAMPIRE ANG PINAKA MALAKAS SA MUNDONG TO. PWEDE BANG MAG EVOLVE ANG MGA ITO?!"
"Sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ka ng sekreto. Yun na nga eh. May hindi pa alam ang mga bampira sa mga Royal Vampire. Ito'y kanilang sekreto... na ang isang Royal Vampire ay maaaring mag evolve at tinatawag nila itong Diabolic Vampire."
"Ah... paano niyo po nalaman ang sekreto na to?"
"Ako ang laging hinihingan nila ng tulong. Nabuhay ako ng maraming maraming taon. At may utang ako ng loob sa mga lahing to. Nabuhay ako ng matagal dahil sa kanila"
"Ganun pala... Diabolic Vampire ang tawag sa evolution nila... ibig sabihin... kaya naubos ang mga lahi ng Royal Vampire dahil NAG EVOLVE SILA?"
"hindi sila naubos. Oo nag evolve sila. At kapag nag evolve ang isang Royal Vampire may isang lugar silang kailangan puntahan at ang mga Royal Vampire lang ang nakakaalam nito. Maaari ang natitira niyong Hari na si Alex Reyes ay may alam tungkol sa lugar na yun. Ang lugar na ito ay puro Royal Vampire o Diabolic Vampire lamang ang nakatira dito"
"So ibig sabihin nag eevolve na si Master Alex at pag nangyari yun pupunta na siya sa lugar nila. Hindi! Hindi pwede! Sino nalang ang mag hahari samin? Si Master nalang ang natitirang Royal Vampire samin!"
"Siya na ang huling Royal at huling magiging Diabolic Vampire. Siya nalang hinihintay ng kalahi niya bago sila magpakita sa mundong to. At pag nangyari yun hindi lang bampira ang luluhod sa kanila kundi pati na din ang mga witch katulad ko at mga werewolves. Maaari din na kapag nangyari to mauubos na ang mga tao sa mundong to. Ang resulta tayong mga imortal nalang ang matitira sa mundong to magiging sunod sunuran tayo sa kanila"
"HINDI PWEDE! HINDI PWEDE! YUNG GAMOT! YUNG GAMOT PO NA BINIGAY MO SA KANIYA! ANONG---"
"Panandalian lang yun. Kahit anong gamot ang ibigay ko sa kaniya hindi sapat para pigilan ang pag evolve niya. Alam ko may tao kayong kasama sa loob ng Tahanan niyo. Nanganganib siya Iho"
"So Lhia? Pero hindi sasaktan ni Master si Lhia. Hindi namin siya sasaktan"
"Sa mga nangyayari kay Alex Reyes maaaring maapektuhan ang Pasensya o ang pag kontrol sa sarili niya dahilan para mawala siya agad sa katinuan at maaaring makasakit siya. Mas mabuti nang palayain niyo na ang tao sa tahanan niyo bago pa siya masaktan at bago pa niya malaman ang sekreto na to"
"Salamat. Maraming salamat po sa lahat" saka ako nag bow at tumalikod na
"Sandali iho... pakiusap bantayan mo ang mga kinikilos ng hari niyo. Sabihin mo sakin lahat ng nangyayari sa kaniya. Heto" binigyan niya ako ng earring. Aanhin ko to?
BINABASA MO ANG
The Vampire's Maiden (part 1)
VampireSi Marlhia Serene Tiala (Lhia). isang mapagmahal at napakagandang dalaga ngunit medyo kapos sa budget. dahil sa kahirapan, nagtrabaho siya sa isang napakalaking mansion upang maging maid doon at maiinlove sa Bad Boy Vampire na si Alexander John Ri...