Chapter 28

377 10 0
                                    

Third person/author:

Habang naghihintay yung lima sa pag uwi ni Lhia, si Lhia naman ay nakatulog sa sasakyan.
Few hours after, nakauwi na din siya pero tulog pa din.

"Nakauwi na si Lhia!" Sigaw ni Marlon. Pag kasigaw niya tumakbo ng mabilis si Alex papunta sa maindoor.

"Nakatulog po siya" -Vampire Driver

Binuhat ni Alex si Lhia at dinala sa Room niya. 7pm na siya nang makauwi. Masyadong malayo ang Mansion sa bayan kung saan maraming tao

Binantayan lang ni Alex si Lhia matulog. Hinaplos niya ang mukha ni Lhia.

"Wag kang mawawala sakin" bulong niya kay Lhia at hinalikan niya ito sa labi

******************************

Lhia's POV

Nagising ako 2 am ng madaling araw. Nasa kwarto ako? Ang alam ko nakasakay ako eh. Di bale na. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina.

Nang makarating, kumuha ako ng fresh milk at ininom. Babalik na sana ako sa kwarto ko ng makakita ako ng babaeng naka evening gown at mahabang buhok sa entrance ng kitchen at nakatayo lang doon. SIYA YUNG BABAE SA PANAGINIP KO! SIYA DIN YUNG BABAENG NAKITA KO NOON SA BINTANA NG MAHANAP KO YUNG DIARY NI PAPA!

Napatulala ako at nabalot ng takot. Nabitawan ko yung hawak kong fresh milk at natapon.
Kumuha ako ng kutsilyo at nang pagkatingin ko sa entrance ng kitchen wala na yung babae.

Tumakbo ako at hinanap sila Alex. Tumakbo ako ng mabilis hanggang nadaanan ko yung game room. May naririnig akong ingay sa loob kaya pumasok ako. Pagka pasok ko nakita ko nga sila Alex na nag po pool. Tumakbo ako papunta sa kaniya

"ALEX! ALEX!" Sigaw ko palapit sa kaniya

"Oh Bakit gising ka?"

"Alex! May multo dito sa Mansion niyo! Nakita ko! Nakita ko!"

"Lhia walang multo dito. Nandito kami oh. hindi sila mag papakita dahil nandito kami"

"No Alex! I swear nakita ko talaga!" Syempre tao ako kaya sakin lang nag papakita hindi mo lang kasi makita -____-

"Baka namalik mata ka lang" singit ni Ronji

"No! Hindi! Nakita ko talaga!" Bakit ba ayaw nilang maniwala

"Lhia gutom lang yan. Tara kain tayo. Sasamahan ka namin" -Dan

"hindi ako gutom nakita ko talaga!" Nabalutan na naman ako ng takot ng makita ko na naman yung babae sa likod nila. Hindi ako makagalaw at makapag salita. Naramdaman ko na lang na bumigay ang katawan ko at pumikit.

Ronji's POV

Nagulat nalang kami ng mahimatay si Lhia.

"Ronji!" Tawag ni Master Alex sakin. Lumapit ako agad at tiningnan si Lhia

"Pagod lang siya siguro Master kaya siya nahimatay. Gutom lang din siguro yan. Pag ka uwi niya kanina tulog na diba" sabi ko

"Are you sure?" Nag nod lang ako.

"mabuti pa dalhin niyo na siya sa kwarto niya at bantayan niyo. kung magising ulit siya may tutulong sa kaniya" Binuhat na ni Master si Lhia at naglakad na papunta sa kwarto

"Sa tingin mo ano talagang dahilan bakit nahimatay si Lhia?" Tanong ni Dan sakin

"Yun ang naiisip kong dahilan. Ang kinababahala ko lang yung sinasabi ni Lhia na may multo daw. Sobra yung takot niya kanina"

"Nakita ko bago pa siya mahimatay, napatingin siya sa likod natin. Tinignan ko kung ano yun pero wala naman akong nakitang bagay na maaaring katakutan niya"

The Vampire's Maiden (part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon