Chapter 10
Napadilat ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko at napalibot ang paningin ko sa paligid.
*beep* *beep*
Nabalik lang ako sa riyalidad nang tumunog ang cellphone ko mula sa bag ko. Hindi ito ang kwarto ko. At tanging kumot lamang ang nakatakip sa aking katawan. Agad ko iyung kinuha habang mahigpit ang paghawak ko sa kumot na mistulang tapis ko
Mama's calling.
"Hello Ma!"
"Mommy, where are you? I miss you na. Bakit po hindi ka umuwi kahapon? Nagwoworry po kami ni Mamsie."
Boses kaagad ni Cy ang bumungad pagkasagot ko.
"Baby sorry busy kasi si mommy sa work inabot ako ng gabi dito sa office."
Pagkasabi ko nun, naramdaman kong may pumulupot sa likuran ko.
"Baby, huh?", rinig ko ang pagkahusky ng kanyang boses.
Nilayo ko ng kaunti yung phone ko at hinarap ko sya.
"Will you shut up?", bulong ko ng may konting diin.
"I'm still your boss." That's smirking jerk.
"Mommy? Are you still there?"
Hindi na ako nakasagot sa lalakeng ito. Napairap na lang ako sa kanya. Hindi ako sure kung narinig ko or guni guni ko lang na parang nagchuckle siya.
"Sorry baby, may cat kasi dito sa office. Di ko alam kung paano nakapasok."
Nilingon ko yung pusa at hindi maipinta ang mukha. Ano ka ngayon? Haha.
"Talaga mommy? Gusto ko makita po yung cat na sinasabi niyo po! Iuwi niyo na lang po! Hihi" napangiti ako sa tono ng boses niya. Ganyan siya pagnaeexcite. Pero, iuwi ko? Hahaha.
"Pusa pala ah.."
Nagpupumiglas ako sa kanya ng simulan niya akong kilitiin sa tagiliran ko. Kaya nagkikisay kisay ako sa kiliti.
"Ano ba? May kausap ako. Huwag kang malikot pusa ka." malambing na sabi ko sa pusa. Haha.
Biglang nagbago mood niya. Umalis na sya sa kama at, at..
Sinuot ang boxers nya.
"Staring is rude. Oh well, nakita mo naman na ito dati pa. Kaya you're free to stare".
Binato ko yung unan na nasa tabi ko. Urrgghh.
Tumatawang lumabas sya sa veranda ng kwarto na ito.
"Sorry baby, come again? Ano yung sinabi mo?"
"Kanina pa nagpaalam anak mo maliligo na raw sya para pasyal kayo pagkadating mo dito."
"Ma, ikaw na pala yan."
"So saan ang office na iyan at bakit ka hindi nakauwi at may pusa talaga? Tama ba na may narinig akong boses ng--?"
"Ma, choppy ka. Choppy ka. Hello? Ma? Naririnig mo ba ako? Di kita marinig."
"Haynaku, tigilan mo ko Veron. Mag-uusap tayo mamayang pag-uwi mo. Say hi mo ko sa tatay ni Cy. Hihi."
"Mama!"
"Alam kong boses niya iyun kaya huwag mo nang ipagkaila. Hahahaha."
Binabaan na ako ng magaling kong nanay.
Alam ko na kung kanino nagmana si Cy pag naeexcite. Napabuntong hininga na lang ako.
Naalala ko na naman nangyari kagabi.
"Ang tanga tanga ko." Napatalukbong ako ng kumot tapos mayamaya, naisipan kong maligo na lang kaagad habang mukhang nagmemeditate pa ang pusa sa labas.
~~~
Tapos na ako magshower nung makita kong wala palang towel na nakasabit sa holder. Haist. Pano 'to. Kumot lang ang nandito. Saka nasa sahig na iyun. Hayaan ko na ngang tawagin.
Kinatok ko yung pinto sa loob.
"Emman! Pakiabot naman yung twalya."
"What's the magic word?"
"Bata lang?"
"Edi hindi mo makukuha."
"P-Please"
"Ano hindi ko narinig e."
"Please! Naman oh. Pakibilisan!"
"Oh eto na. Pakibilisan na rin ah. Baka hindi ako makapagpigil at hindi ka pa matapos magshower dahil sasabayan mo ko."
"Shut up!"
"Hahaha" eto talagang pusang ito.
~~~
Habang nagshashower sya, naglilibot libot ako sa buong resort. Maganda pala talaga ang resort na pinag-stay-yan namin. Nadako yung mata ko dun sa gazebo na una naming pinuntahan ng makaratin kami dito.
*iling* *iling*
Naalala ko na--
Hindi dapat alalahanin yun. Isang pagkakamali lang iyun.
"Anong isang pagkakamali?"
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya at bigla na lang syang tumalikod at bago pa man siyang naglakad palayo,
"Ayusin mo na yung mga gamit mo sa kwarto. Ako na ang magchecheck-out sa atin sa may lobby."
Dama ko ang lamig sa pagkasabi niya nun. Anong nangyari dun?
~~~
Tahimik lang kami sa byahe at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Napabalikwas ako ng may naramdaman akong humaplos sa pisngi ko. Pero agad nawala.
"Sorry nakatulog--"
Hilig talaga mamputol ng isang ito.
Pagtingin ko sa bintana, madilim na at nasa harap na pala ako ng condo.
"Never ever think that it's just a mistake. We both know that we enjoyed it."
Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Kaya lumabas ako kaagad at maglalakad na papasok kaso nakalimutan ko palang magpasalamat.
Kaya pagtalikod ko, di ko namalayang lumabas na pala sya ng kotse nya at ngiting ngiti ang loko.
"Yes?"
"W-wala. T-thank you pala sa p-paghatid." Ano ba veron, umayos ka.
"Hindi mo ba ako pagkakapehin? Or some tea?"
Ang bilis magbago ng mood neto.
"Nope. Pagod na ako. Matutulog na ako. Kbye. Ingat sa pagdrive. Thank you, again."
"Sige, pahinga ka na Babe. Alam ko namang napagod ka kanina."
Nilingon ko kaagad siya. Ang kapal talaga ng apog neto. Nakita kong papasok na sya ng sasakyan niya at kumaway bago pumasok.
Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Kahit papaano, hindi siya nagbago ng tuluyan. Manang mana sa kanya si-
Paktay! Si Cy! Ginabi na ako. Mahaba habang paliwanagan ito. Pati na sa mamsie niya.
Pagkapalit ko ng damit at pag-empake ng mga konting damit namin. Papunta na ako sa bahay nila Mama. Kaya mo ito, Veron!
A/N: Hi! Thanks sa mga nagbabasa nito and thanks for waiting. :)
BINABASA MO ANG
My Son's Father is my Boss
Genel KurguIs there a possibility of backing out because your mind say so? Or just do whatever you have to because it is your heart say so? *This is a Filipino/Tagalog-language story* :)