Chapter 18
Pagpasok ko ngayong Monday, ilang weeks na rin ang lumipas after nung ginawang scene nung head naming magaling, hindi ko nakaligtaan ang mga matang nakatingin sa akin dito sa department namin simula pa noon. Siyempre patay malisya ang lola mo. Diretso lang ako sa workplace ko then sinimulan ko na ang trabaho. I believe na professional sila for not sticking their nose out. Wala naman silang mapapala kung makikiusi sila sa buhay ko. Pero may dalawang usi na halata mong kating kati na ang mga dila para magtanong. Hindi nila ako matanong noon dahil busy kami these past days dahil end na naman ng quarter.
Pinipigilan lang sila ng ginagawa nila. Kaya kumaway na lang ako sa dalawa. Mukhang magiging talk show ang lunch break ko mamaya.
“Veron, please send this to the office of the CEO. Urgent daw.” Sabi ni Ma'am Cris. Iniabot sa akin ang folders. They are financial statements for the last quarter. Tumayo na ako at sinunod siya. Baka makatikim na naman ako ng bangis niya.
~
“Good morning Veron. Pasok ka na. Hinihintay na yan ni Sir.” Bati sa akin nung secretary ng CEO.
Pagpasok ko sa opisina ni Rick si Zoe ang naabutan ko sa may receiving area. Nagdodrawing yata then nakita niya ako kaya patakbong lumapit sa akin.
“Hi tita! Where is Cy?” lumingon lingon pa sa gilid ko na parang hinahanap ang anak ko.
“Hello Zoe. Cy's not here. He is at school. Don't you have classes? And where’s your dad?” Wala kasi si Rick sa office desk niya. Sabi naman ng secretary niya, hinihintay na raw ito.
“Ohh. I don't have tita because it's our school foundation day, meaning rest day. And family time. Hihi. Daddy and mommy is in that room. I don't know what they are doing.”
Napailing na lang ako sa ginagawa nung dalawang yun.
“Maybe they are planning your next trip.” Lumiwanag naman ang kanina'y curious na mukha ni Zoe.
Nagpatuloy na lang siya sa pagdrawing and pinanood ko na lang siya.
Sa wakas lumabas na rin ang dalawa.
“Hi Nica!” si Lillie, sabay beso sa akin. Tinanguan lang naman ako ni Ricky. As usual, what's new?
“Sir, ito na po iyung mga financial statement. Urgent daw e.” hindi ko mapigilan ang ngumiti.
I'm giving them an i-know-what-you-did-there look. At ang loka kong best friend, pinamulahan kaagad. Hindi ko tuloy napigilang tumawa.
“Daddy and Mommy are you done planning? Tita said maybe you are planning our next trip inside that room.” masayang tanong ng anak nila.
“Yes baby, we don't have a date yet. But we're done planning.” Sinagot ni Ricky yung bata.
“Thank you for forwarding these documents urgent, Mrs. Salazar.”
Bigla tuloy nagbago mood ko. Talaga itong isang ito. Kung hindi lang ito mahal ng best friend ko, matagal ko ng ipinatapon.“Sir, baka may makarinig sa inyo. Mas magandang mag-ingat. Aalis na po ako. Kung gusto niyong isama ko muna si Zoe, sabihan niyo lang po ako baka hindi pa kayo tapos magplano. Bye Lillie.” Kinindatan ko pa si Lillie.
Priceless mukha nung asawa niya pero halata mo namang proud.
Pabukas na ako ng pinto nang biglang bumukas yung pinto.
“What took you so long?”
Napairap ako sa nagdelay na naman ng pagbalik ko sa workplace.
BINABASA MO ANG
My Son's Father is my Boss
General FictionIs there a possibility of backing out because your mind say so? Or just do whatever you have to because it is your heart say so? *This is a Filipino/Tagalog-language story* :)