Chapter 4
The Former Department Head to be
Habang nagwowork ako dito sa desk ko, kinuha ni Ma'am Rissa ang atensyon naming lahat sa department.
"Guys, nabalitaan niyo naman na siguro na aalis na ako dito. Nakalulungkot man pero kailangan ko nang maging mabuting ina at asawa sa pamilya ko. Nawawalan na kasi ako ng oras sa kanila. Gosh, deep pala masyado ang speech ko. Kidding aside, what more can I say?" Masayang malungkot na sabi ni ma'am sa amin.
"Sayang at saglit ko lang nakilala kayo, Angel, Veron, Loisa and Gail. Sayang di ko mapapanood ang love life niyo dito. Kaya all gentlemen here, patas ang labanan ah?" Biro ni ma'am pertaining to us four with matching kindat pa. At may kanya kanya na kaming reactions sa huling sinabi ni ma'am.
Ganyan si ma'am Rissa makitungo sa amin, kala mong barkada lang kaming lahat.
Apat nga pala kami na nakapasok dito sa department, as she said earlier. Si Angel lang ang hindi namin kasundo dahil iba ang circle of friends niya.
"By the way, may despedida party ako, kahit di naman ako mangingibang bansa, mamayang gabi sa Paradiso Bar. 7pm onwards. So, see you there" Huling announcement ni ma'am sa amin.
Hayy, mamimiss namin talaga yang si ma'am.
---
"Ang tagal naman ni Gail. Anong oras na makakaratin yun?", si Loisa then uminom siya sa frappe niya.
Nandito kami ngayon sa isang kilalang coffee shop na malapit sa bar na gaganapan ng 'despedida party'. Napagkasunduan kasi naming tatlo na magkita-kita na muna dito then sabay na kami pumunta sa bar.
"Siguro di pa pinapayagan ng asawa." sabi ko, at sabay tawa naming dalawa.
Habang nagkekwentuhan kami ni Loisa,
"Hi Girls! How's your day?"
Ohh! Napatayo tuloy ako bigla at niyakap ng mahigpit ang taong kararating lang. Biglaan ang pagdating niya eh. Namiss ko rin naman ito. Last na nagkita kami, noong orientation pa iyun.
That's my boy/girl best friend, Julian. You read it right. S/he's a gay. But only few knows the truth about 'her' sexual preference. Best friend ko siya pero di sila magkakilala ni Lilie. Siguro papakilala ko sila, one of these days.
"I miss you girl", bulong niya with matching halik pa sa temple ko.
"Ikaw bakla ah. Huwag mo kong maganyan ganyan. Nagtatampo ako sayo. Bakit di mo man lang sinabing nakauwi ka na? May pa-manly manly gestures pang nalalaman" Nakakainis naman talaga eh. Pero huwag ka, guwapo itong bakla na ito. Kaya maraming nagkakagusto, kaya lang gwapo din ang hanap.
"*ahem* *ahem* Tapos na po ba kayo sa loving loving niyo?", si Gail. Nakarating na pala siya.
"Parang kanina lang kinikilig kilig ka ah. With matching pungay pungay pa ng mata" Puna ko sa kanya sabay tawa
"Hayaan niyo na bitter lang yan. Tumakas kasi sa asawa kaya di nagka-loving loving" tawa ni Loisa.
"Julian, may lakad nga pala kami. Diyan lang sa Paradiso Bar. Sama ka?"
"Maybe next time na lang. May ka-meet-up kasi ako dito." sabi niya with a wink.
"Sayang naman may kameet-up ka pala dito. Sige, see you around." Si Gail na yung nagpaalam sa amin, gusto na raw niyang uminom.
KIlala na ng dalawa itong si bakla. Kasama ko kasi sila noong dumalaw sa akin si Julian noong orientation days.
Nag-wave na lang ako ng kamay sa kanya then off we go.
---
Pagkapasok namin dito sa Paradiso Bar, naglalakasang tugtog at makukulay na ilaw ang sumalubong sa amin.
Dumeretso kami sa VIP table na pinareserve ni ma'am sa amin.
"Buti naman nakarating pa kayo. Kala namin i-indianin niyo na kami" May halong pagtampo at biro na sabi ni ma'am Rissa
"*paimportante*", bulong ni Angel sa mga kaibigan niyang sina Antonette at Arlyn . Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko iyon. Ganyan talaga iyang mga iyan. Hindi namin alam kung bakit may galit sila sa amin. Hindi naman kami nakikipagkompitensya sa kanila. Our firm works as one. Walang lamangan dapat.
Natatawa na lang ako sa kanila kasi para talaga silang mean girls, working edition. But they have brains and they'll never be so-called bimbos. May pinag-aralan eh pero mukhang wala dahil sa inaasta kung minsan.
"Oh siya, feel free ah. Party party!! Mingle mingle with others. Hihihi"
Mukhang may tama na ng alak si ma'am o inaalis lang ni ma'am ang tensyon. hahaha.
---
A hundred years after...
Lol biro lang (I know corny) Hahaha
Maririnig pa rin ang malakas na mga tugtugin.
Sa totoo lang, I'm not into these stuffs. Ngayong na lang ulit ako nakapunta sa mga ganitong lugar. At mas gusto kong nasa bahay at makabonding si Cyrus.
Ever wonder kung saan ko iniwan si Cyrus? Na kay mama siya. Willing naman siyang mag-alaga basta magsocialize ako. Nagiging anti-social na raw ako.
Wala namang mawawala kung magpapakasaya muna ako ngayong gabi. Worry free night for all of us. Sabay inom ng cocktail na inorder ko kanina. Then off to the dance floor.
A/N: Very sorry and thank you for waiting this update. Busy busy po kasi itong college course na kinuha ko. Saka po I'm just a frustrated writer. Palaging may author's block. hahaha! Madaling mag-isip ng scenes, mahirap magcreate ng kwento. Sabi ko nga sa unang part ng story na ito, please bear with me. :)) I know, di ko pa nailalabas yung leading man. Hahaha Til' next chappie po :D
BINABASA MO ANG
My Son's Father is my Boss
Genel KurguIs there a possibility of backing out because your mind say so? Or just do whatever you have to because it is your heart say so? *This is a Filipino/Tagalog-language story* :)