Chapter 11
"Mommy, I want to ride that airplane again! Please mom!"
"Later baby, eat first." sabay subo ko sa kanya ng hotdog sandwich na binili namin sa isang stall.
Nandito kami ngayon sa amusement park as promise ko sa kanya last week.
Mag-tu-Two weeks na rin kasi ang lumipas noong nagpaliwanag ako ng mahaba haba sa maglola.
--
"Mommy!" sabay kiss ni Cy sa pisngi ko.
"Saan ka galing mom? Bakit ginabi ka na po? Kagabi ka pa di umuwi? Saka nasaan na iyung cat? And sabi ni mamsie boy daw yung cat kasi kinukulit ka raw."
"Wait baby, hinay hinay sa pagtanong sa mommy mo. Pakainin muna natin siya. Kumain na ba ka-- ayy I mean, kumain ka na ba? Halika na. Kumain ka muna. Kailangan mo ng energy sa pagsagot sa mga tanong ng apo ko lalo na tungkol sa pusa."
Napairap tuloy ako sa kanya. Si mom talaga. Humalik na ako sa pisngi nya tapos sumunod na ako sa dining area. Hindi naman kalakihan ang bahay nila mama, hindi pangmansyon. Kasya kaming buong pamilya dati kaso may kanya kanya ng pamilya mga kuya ko saka nasa mga iba't ibang bansa.
~~
"So mom, saan ka galing?"
"Wait naman baby unang subo ko pa lang ng pagkain." natatawa-tawang sabi ko sa kanya.
"Sige na nga mommy. Hintay kita sa sala." Tumakbo na sya palabas.
"So, ako na lang muna kwentuhan mo. Bakit mo kasama ang pusang iyon?"
Muntik pa akong mabulunan sa biglang pagsulpot ni mommy.
"Ma! Manang mana sayo si Cy! Pakainin niyo naman muna ako. Saka wala naman akong kasamang pusa kagabi."
"Huwag mo nga akong pinagloloko kahit medyo tumanda na ako, alam ko pa rin boses niya." Ewan ko kung paano pa ko tatanggi. Napatango nalang ako.
--
Nakaupo na kami dito sa isa sa mga benches habang sinusubuan ko si Cy. Napatingin kami sa pamilyang nasa harap namin na naglalaro ng habulan ang mga bata kasama ang papa nila.
Nagpapasalamat ako sa Diyos at hindi siya nagtatanong tungkol sa ama niya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Alam kong nagkamali rin ako sa hindi paghintay ng explanation niya.
"Mom, what are you thinking?"
Yung ama m-- ayy ano ba yan. Hindi ko namalayang napalalim na pala ang iniisip ko.
"Is it about the cat? Don't worry mommy. Sabi po ni mamsie, he will be okay and we will see him soon."
Si mom talaga kung ano ano tinuturo sa batang ito.
"Cy-Cy!"
Sabay kaming napalingon ng anak ko sa sumigaw.
"Zoe, you're here too!"
"Ayy wala ako dito Cy, I'm just an apparition." sabay hagikgik ng batang babae.
Tumawa naman kami ng kasama ni Zoe na si Lilie.
"May pagmamanahan ang anak mo." tawa kong sabi sa kanya.
"Kanina pa kayong mag-ina dito? Bakit di namin kayo napansin?"
"Yup, sobrang laki naman nitong park na ito kaya di tayo nagkasalubong kanina. Saka pinapakain ko ngayon ng snack itong si Cy."
Paglingon ko sa tabi ko, wala na pala. Nasa harapan namin iyung dalawa, nakikipaglaro na.
"Nandito lang pala kayo. Pinahirapan mo pa kaming hanapin kayo, hon, ng magaling mong anak na manang mana sa iyo."
"Sir Ricards!" bati kong tumatawa sa kararating lang na asawa nitong katabi ko.
Humagikgik naman itong nasa tabi ko nang tignan ako ng masama nung asawa niya at parang tuwang tuwa sa itsura ng asawa. Nahawa tuloy kami ng nasa likod ko. Kami?
"How about me? Do I also have a greeting?" ramdam na ramdam ko ang pag-uuyam na tinig nito.
Nakapagtaas naman ng balahibo ang boses ng lalaking iyun.
Napatingin ako sa mag-asawang nasa harap ko at parehas silang bigla na lang nagkukulitan sa isa't isa.
"Mommy, Daddy! Help me! Cy is going to catch me!"
At nag-ala zombie naman itong anak ko sa paghuli kay Zoe.
"Mommy, ahhh" nakangangang harap sa akin ni Cy. Nagpapasubo ng pagkain.
Naestatwa na naman ako sa pagtabi sa akin ni Emman sa upuan at nararamdaman ko ang titig nya kay Cy.
Si Lilie ang nagputol ng katahimikan sa aming lahat.
"Akina yang sandwich ni Cy, ako na magpapakain." Inabot naman niya.
Sabay bumulong sa akin, "Siguro it's time na to tell him. Goodluck Sissy."
At iniwan kami ng pamilya ng magaling kong bestfriend kasama si Cy.
"So, what will you tell me? And are you avoiding me since that day?" Hindi ko alam na narinig niya iyung huling binulong ni Lilie. May halong lamig at parang galit na may hinanakit sa tono niya. Hindi ko kayang damhin.
Pagka-lingon ko sa kanya, para akong nanghihina sa titig niya ngayon. At biglang umikot ang paligid at tuluyan na akong nilamon ng dilim.
A/N: Thank you for waiting, reading and voting! Please come again after the next update. Hahaha. Thank you po talaga. God bless. :D

BINABASA MO ANG
My Son's Father is my Boss
Ficción GeneralIs there a possibility of backing out because your mind say so? Or just do whatever you have to because it is your heart say so? *This is a Filipino/Tagalog-language story* :)