Chapter 13

9.8K 220 1
                                    


Chapter 13

"Girl, bakit ka absent last week? Na-miss mo tuloy yung weekend hang-out ng buong department."

Excited na kwento ni Loisa sa akin.

"Huh? Ano ginawa niyo dun?" Walang nabanggit sa akin na may ganun ganun si ano. Well, 'Di pala kami nag-uusap nun. Buong week din absent last week kaya siguro marami rami ring na-miss.

"Girl ikaw nagsabi. Huwag sagutin ang isang tanong ng isang tanong."

"Some family matters lang. May kailangan lang asikasuhin."

After mahaba habang pagtatalo namin ni Emman na pwede naman syang hindi na tumira sa amin, ako na lang tumira sa kanya kasama si Cy. Kinuntyaba nya si Cy saka si Mama sa pagkukumbinse sa akin. Wala naman akong magawa dahil maliit lang naman condo namin ni Cy, hindi na siya kakasya kung makikidagdag pa sa amin. 

Kaya we're one very happy family living in a big house now. Note the sarcasm.

"Hay naku Veron, namiss mo talaga half of your life. Si Sir Ems, kumanta nung friday sa karaoke. Ang ganda ng boses. Kung wala lang akong asawa baka napikot ko na si Sir."

Huh, anudaw?

"Maghunusdili ka nga Gail. May mabuting asawa na, lumalandi pa rin." Natatawang sita ni Loisa kay Gail.

"Anyway, Veron, ang nagpauso nung weekend hang-out natin ay sila Angel. Gusto lang nilang makasama si Sir. Alam mo na, ang haba kaya ng hair ni sir dito. Take note, hindi lang dito sa department natin. Kahit mga nasa itaas. Kahit naman yung kapatid ni sir na asawa ni Mr. Sandoval, ang ganda ganda."

"Go back to work girls. May mga naiistorbo na kayo sa ibang cubes dito. If you want to chika chika, lower your voice please." Si Ma'am Cris yun. Ang Assistant Finance Head.

"Menopausal na ata ang lola niyo. Galit palagi sa mundo."

Natawa naman ako dun.

"Kanina ka pa ngata ng ngata at patawa tawa diyan Veron ah. Saka kami lang ang daldal ng daldal dito. Ano na? Kwento ka na girl."

"Family matters nga kasi. Back to work na tayo, girls. Baka masita na naman tayo. I'll tell you some other time."

 Hindi pa rin nila alam na buntis ako . Pati nga si Cy hindi pa nila kilala. Malapit na siguro. Hindi naman habambuhay ko ito maitatago sa kanila. They are my friends kaya wala namang masama pero, not now.    

And, yeah, kanina pa nga ako kumakain dito ng dried mangoes.  Mukhang ito ang nakursyunadahan kong paglihian ngayon. Bigay ni Lillie fresh from Cebu. Nagweekend get-away silang pamilya. Sinasama sana kami ni Cy kaso ang magaling na Unggoy, hindi kami pinasama. Kesyo, baka kung mapaano raw kami or something. Daig pa ang tatay ko sa ka-over-an. Kaya nga ako nasakal, este, nakasal sa unggoy na yun dahil sa ka-over-an ng magaling kong Daddy. 

He saw us in the same room lying on the bed, then voila! We're married. Hindi niya alam na nagkekwentuhan lang kami ni Emman dun, talking about plans and futures. Nagconclude kaagad. Me and Emman were in a relationship back then but it became deeper when our parents interfered. Imagine, I just turned 16 that month then the next month was my wedding day. Dahil sa kanila kaya nagpakasal kami sa isa't isa. Sa US kami pinakasal kasi legal dun magpakasal ang minor basta may parents' consent. Yung pagpaplano namin ni Emman sa future mas napaaga nga lang. But, shits happened.

If you are wondering where's my father is, wait, kuha muna ako ng dried mangoes.

Nag-ri-ring pala ang phone ko sa tabi.

Speaking of the..

Lumabas muna ako sa may hallway ng opisina namin para sagutin ang tawag.

"Oh Dad, ba't ka napatawag?"

"Hello dear. Wala man lang hello or hi?"

"I just heard the news about you, arranging your divorce papers. And I can't tolerate that kind of impulsive decision Marian Veronica. Really, almost 6 years bago ko nalaman na may ganyan ka palang ginawa?", tuloy niya

"Dad, please not now. I'm in the middle of working here. Saka in the first place-"

"What Marian?"

"Nothing dad." I know when he's serious, He is always call us with our first name. Pero minsan hindi ko maspellingin ang sarili kong tatay.

"I just want to know if you're okay. Your mom said that you're living now with the husband of yours, again. Magkaka-baby brother or sister na ba si Cy?" Biglang excited na tanong ni Dad. See?

"Really dad? You're angry with my, quote and quote, impulsive decision kanina then you're excited with my situation now."

"Is your boss there?" tanong ni Dad. He knew who's my boss but he only wants to tease me. Isip bata talaga, like Mom.

"I guess so.. Why Dad?"

"Pakausap."

"But Dad, he's busy working in his room."

May humablot nung phone ko.

"Ay bastos." Di ko napigilan ang bibig ko. Bigla bigla na lang manghahablot. Daig pa ang snatcher.

"Hello Dad, I'm not busy. I don't know why she's lying." tumatawang sagot nitong isa.

Isa pa itong isip bata. Siya ata talaga anak nila daddy eh.

Hindi na ako pinakausap kay dad. Kuntodo kwentuhan at tawanan na sila. Kaya bumalik na lang ako sa cubicle ko at nagsimula na ulit dumukot sa dried mangoes. 'Di joke lang. Nagsimula na ulit magwork. Mga busy na rin naman yung mga iba kong officemates kaya ginawa ko na ring busy ang sarili.

Habang nagtatype ako ng report sa computer ko, nagulat ako na my naglapag sa may desk ko. Derederetso naman si Emman na lumakad papunta sa room niya. Yung phone ko pala. Hindi manlang nagthank you. Telebabad na ginawa nila ng tatay ko. Hindi manlang ako nakapagbabye.

O, may note palang kasama.

Dinner at 7 with family.

Isa pa yun. Ang hirap spelling-in.


A/N: Another chapter. Thanks for reading! :D

My Son's Father is my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon