Chapter 15

10.3K 187 9
                                    


Chapter 15

One week after noong buchi incident, naging medyo mabait na si Emman sa akin. Hindi na siya aloof and cold. He's always ask me if I need something and the likes. Siyempre kailangan na rin namin sigurong maging mature to act in our situation. Pero hindi pa rin nagbago ang tratuhan namin sa opisina. He's known to be single pa rin pero may mga katrabaho naman kaming iba na may decency pa rin and I'm known to be, well, one of the accountants in his department. Ayokong ipasabi sa kompanya na asawa nya ako. Okay na ako sa ganito. Less than 5 months na lang naman ako magtatagal dito. Iyun ang napag-usapan namin. At matatago ko pa naman siguro yung sikreto namin.

Hindi pa naman halata ang baby sa tiyan ko kaya okay pang magsusuot ng mga nakasanayan ko na so they wouldn't think I'm preggy.

"Ang cute talaga ng anak mo bakit hindi mo sa amin siya pinakilala ng mas maaga. Hindi siya kahiya hiya ah. Dapat sa mga ganyang itsura nilalantad."

"Loisa huminga ka naman. Hindi halatang excited ka. Gawa na rin kasi kayo ni Paul."

Natawa naman ako sa litanya ni Gail. Kahit naman kasi hindi aminin nung dalawa na may namamagitan na sa kanila, todo tanggi at ganun pa rin, nagaact na parang aso't pusa sila. Halata namang sinisikreto lang nila. Kaya hinayaan na lang namin. Hihintayin na lang namin sila mag-open-up.

As they're talking earlier, they already knew about Cy. Coincidence na nandito sa Jollibee rin sila Mama kung saan kami naglalunch ngayon. Pinuntahan kasi ni Mama si Lilie sa office ni Ricky, binigay iyung inorder niyang oatmeal cookies. May mini pastry business kasi siya, made to order lang.

"And tita, paorder din po ako ng cookies. Magugustuhan ito ng daughter ko."

"Mabuti maman Gail naisipan mong umorder. Mahiya ka naman sa free taste. Kaya nga free taste. Piranggot lang dapat ang pagtikim."

"Hayaan mo na ija. Ayos na rin para mabawasan bigat ng bitbitin naming mamaya."

"Mom, last bite."

Sabay nganga ni Cy sa akin para masubuan ko siya ng burger. Nag-awww naman yung dalawa.

Natatawa tawa na lang kami ni mama sa reaksiyon nitong dalawa. Cute na cute talaga sila kay Cy.

"Cy, don't run, please. You just ate your food. And where's my kiss? We're gotta go na baby."

Niyakap at kiniss niya ako then akmang tatakbo na pero pinigilan nila Gail at pinugpog na ng halik ang bata. Hindi ko naman napigilan ang pagtawa dahil sa helpless na mukha ni Cy.

"Enough girls. May pasok pa tayo. Magkikita pa naman ulit kayo. And Cy, be good. I love you." Natatawa pa rin ako.

"Yes, Mom. Love you too." Tumakbo na papuntang playground.

"Ma, mauna na kami. Ingat kayo sa pag-uwi."

Nagpaalam na rin iyung dalawa then we're good to go.

---

"Bye girls, see you later. Pumunta ka Veron ha? Napagpaalam ka na namin ni Gail kay tita kaya wala kang kawala." Tumawa pang parang evil mother. Kabaliwan talaga nito.

"Hala siya, anong nakain mo at naging demonyita ka?"

"Wala kang pake." Umirap pa.

Nandito na naman po mga kababayan. The pretending aso't pusa of the year.

"Hi Paul, ihatid mo na nga sa bahay nila iyan baka mapagkamalang takas sa mental."

"Grabe ka naman Veron. Hard masyado. Pasalamat ka cute ni Cy kaya papatawarin kita, makita ko lang iyun ulit."

Umalis naman na sila. See? There's something to them.

Si Gail naman naisundo na ni Miko.

Pababa naman na ako sa basement parking nitong building at pupuntahan na yung naghihintay na unggoy.

"Ba't ang tagal mo?"

"Sorry ha. 'Di ko naman sinabing hintayin mo ko. Kaya ko naman pong magcommute. At lalong kaya ko pa namang magdrive. Kung hindi mo lang kasi tinago yung susi." Nakakasira talaga ng mood itong isang to. Excited pa naman akong magkwento. Hmp. Isa pa, kinuha ang susi ng kotse ko kaya eto ako ngayon, maghihintay makaalis mga kadepartment namin bago bumaba dito. Ang alam nila, nagcocommute na lang ako dahil nagtitipid. I know, lame.

Hindi naman na siya sumakit. Binuksan na niya ang makina at sinimulan ng magmaneho. Pareho kaming tahimik sa byahe hanggang sa nakarating na kami sa kwarto at nagsimulang magpalit ng damit.

"Mommy! Daddy! I'm home! Where are you? Yoohoo!"

"There you are!" sabay takbo niya kay Emman at hinalikan sa pisngi. At kiniliti na ng kiniliti si Cy.

"Mommy you should join us her- Stop it please daddy. Hahaha" pati sa anak ang hilig rin mamputol.

Matapos nilang magkulitan, ayun, pagod ang mga loko. Nakahiga sa kama.

"Wait, why are you dressed up? Oh, I hear tita Loisa asked momsie's permission for you to join later?" at may pagkatsismoso si little mister.

"Who taught you to eavesdrop."

"Sorry mom, I can't help it when you're involved."

"Hmp. Kung hindi ka lang cute. Pakiss nga." Pinagkikilita at pinaghahalikan ko na siya.

"Mommy! I'm handsome kaya like Daddy. Hahaha. Stop it. Hahaha!"

"Nakakasuka. You're the only handful here. Este, handsome here." Pinugpog ko na ulit ng halik. Nakakagigil.

"Tama na yan. Baka malate kayo. Ingat kayo. Baka naman may date lang kayo ha. Pwede pang gawing twins. Hihihi." Hinila na si Cy sa kanyang room. Hala si Mama.

"Ma!"

Ito naman isa, tatawa tawa. Sinamaan ko tuloy ng tingin.

"What? You don't want to go? Our room is enough to fill twin sister or brother into that." Sumulyan pa sa tummy ko.

"Bastos! Halika na nga! Baka magtaka pa mga nandun."

*tsup*

Biglang humalik naman sa pisngi ko si Emman.

"Magnanakaw!" Kainis ito. Bigla biglang manghahalik. Napasapo ako sa bibig ko. Bakit ko nasabi iyun? Dapat 'bakit' yun.

"Sabi mo kaya, halik ka na. So ginawa ko lang yung sinabi mo." Tumatawang explain niya.

Nauna na akong lumabas ng bahay sa kanya. Baka masakal ko lang siya pagtumagal ako ng ilang minuto sa loob.

Kakaiba pagbubuntis ko ngayon. Moody masyado.

Kay Cy kasi good boy siya sa tiyan ko. 'Di ako pinahirapan ng hormones ko. May kaunting cravings pero light ang pakiramdam ko. Ngayon, makita ko lang ang unggoy kumukulo na dugo ko kahit wala siyang ginagawa. Minsan mabait naman siya pero hindi ko maiwasang hindi mainis.

"Oh." May inaabot sa akin. Hindi ko nga pinansin. Umusog na lang ako kaunti. Hinihintay ko yung kotse na maghahatid sa akin. Magkaiba kaming sasakyan. Alam niyo naman.

"Tss. Childish. Ayaw mo ba? Eto na nga oh"

Nanlaki mata ko nang makita ko yung inaabot niya. Ang susi ng baby ko!

Nasa harap na pala namin yung kotse ko.

"There's one condition. Please drive slowly and safely."

"Sure. Thank you J-Em! See you later." sumakay na ako at pinaharurot ang kotse. Namiss ko ito!


A/N: Enjoy reading! God bless. :D


My Son's Father is my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon