Chapter 3

14.5K 283 3
                                    

Chapter 3

The Department

Pagkasara na pagkasara ng elevator ay nangatog na ang aking mga tuhod. Hindi dapat ako ganito. Sa simpleng pagbanggit lang ng salitang "kuya" ni Lilie ay naging ganito na naman ang epekto sa buo kong sistema.

Bago matunton ang floor ng department namin ay nag-ayos na ako ng sarili. Back to my firm and proper posture. Hindi na ako ang dating konting kibit lang ay manghihina na at mag-iiyak iyak. Tama na ang ilang taon na paghihirap ko.

"Good morning Veron!", nakangiting bati sa akin nila Loisa at Gail, employees din sila tulad ko. Sila yung mga naging kaibigan ko simula noong orientation.

"May balita ako girl.  Aalis na raw si Ma'am Rissa next week." - Loisa. May pagkamadaldal yang si Loisa. Hindi nauubusan ng i-chichika sa amin. Balita ko ngang aalis na raw si Ma'am Rissa, yung naabutan naming Dept Head dito, dahil gustong maging full time mom and wife sa family niya.

"At balita ko rin na, ang papalit na department head natin ay big time at yummy. Pero not sure kung kailan magtetake-over" - Nagdedaydream na sabi ni Gail. Parehas sila ni Loisa na may sayad. Pero mas si Loisa. Kidding aside, kahit ganyan sila, makikitaan pa rin sila ng passion sa kanilang trabaho simula pa lang noong orientation days.

Hindi ko na lamang pinansin ang kanilang pagdedaydream. Basta mga gwapo, or the likes, wala silang mintis sa pagkekwento.

Nagstart na ako sa pagtrabaho, analyzing dito, analyzing doon. Pero hindi pa masyadong busy kasi kasisimula pa lamang namin.

"Hi Veron. How's your day?"

"Ikaw Paul ah. Huwag mo ngang ginugulo si Veron. Umpisa na umpisa ng pasok, sinisira mo na araw niya" - Loisa

"Oh, Veron na pala name mo ngayon? Baka naiinggit ka lang. Hi Loisa. How's your day?" - may kasamang pag-irap pa. Kaya napatawa ako, kasi hindi bagay umirap. Lalaking lalaki tapos biglang umirap.

"I'm fine. So far, okay naman ang day ko. If I know, hindi naman yata talaga ako ang dinalaw mo." I asked him suspiciously.

"Ikaw, Veron, huwag ka ngang mag-issue. Yuck, sa dinami dami ng pwedeng maging partner sa issue siya pa ang ipinartner mo sa akin." With irap kay paul

"Kunyari ka pa. Gusto mo rin naman. Kinikilig ka na nga oh. Sige na, ilabas mo na ang kilig mo. I don't mind naman." - Si Paul. 

Natatawa na lang ako sa pagiging aso't pusa nila. Yun si Paul. Newbie rin like us. Pero sa I.T. Department siya kaya napadaan lang yan. Noong simula pa lang, ganyan na sila ni Loisa.  Pati nga yung facilitator namin dati natukso sila dahil nagstand-out ang pagtatalo nila.

Hanggang sa umalis na Paul. Nakita ko pang napapangiti habang palabas. Ang maganda lang dito sa kompanyang ito, the board has relationship oriented leadership. They allow us to roam around but we have limitations. Work first before anything.  Kaya nakapunta dito si Paul.

"Bakit ang tahimik mo Gail?" 

At hindi po niya ako sinagot.

"Kachat niyan asawa niya. Tignan mo oh. Namimilipit na sa kilig." - Loisa

Sa aming tatlo, si Gail ang baliw. Baliw sa asawa, but in a good way. Kahit mag-asawa na sila, sweet pa rin sila. Pano ko nasabi? Noong orientation days kasi namin, nakakasama namin maglunch si Miko, ang asawa niya, at si Micah, ang kanilang anak.  Understanding naman ang asawa niya lalo na pagnagdedaydream ito. 

By the way, dito sa department namin, nasa isang malaking room kami, ang 1/3 ay for the department head at mayroon din ang assistant department head pero hindi kasing laki ng sa dept. head, then the rest ng space ay for us. May parang divider kami na mababa lang kaya nakakapagchikahan ng mahina sila Loisa at Gail.

My Son's Father is my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon