Chapter 9

10.9K 224 12
                                    

Chapter 9

"So, ano na?" binasag ko ang katahimikan.

Tanging huni ng mga ibon at tunog ng alon ang naririnig namin sa paligid.

Napatingin ako sa kanya, hindi man lang sumagot ang loko.

"Ikaw ang kaladkad ng kaladkad sa akin tapos wala ka namang sasabihin?", 'di ko napigilang pagtalak.

Totoo naman. Nandito kami sa isa sa mga beach sa San Juan, Batangas at hindi pa rin kami nag-uusap sa dapat pag-usapan.

Maganda sana ang mga sightseeing sa paligid kung walang maliit na tensyon. Maliit nga lang ba?

"I'll go straight to the point. Why do you left?"

Mali ata ang pagtalak ko kanina. Ako ang una na-hot seat.

"To answer you honestly, hindi ko pa kayang sabihin sa iyo." tiklop kong sabi sa kanya.

Tanga mo talaga Veron. Pilit ka nang pilit, ayan tuloy wala kang masabi.

Hindi ko alam kung papaano ako magsstart.

Napahinga ako ng malalim saka nagsalita ulit.

"This is stupid! I don't know how to start this."

"Then start with the reason of why you left. May pinuntahan lang ako then pag-uwi ko, you left me without any single word or even a single note." Puno ng hinanakit at may konting galit ang tinig niya kaya napayuko ako sa naalala ko noon.

"It's because you left me first to comfort your, quote and quote, best friend, na alam naman nating nagpapaawa lang sa iyo." Di ko napigilan ang pagtaas at pangigil sa boses ko

"Hindi mo man lang hinintay ako at pwede ka namang magtanong"

"At ano ang itatanong ko, kung saan ka galing? At paano ako makakasigurong sasagutin mo ako ng totoo? Tumawag ako sa iyo noon pero ang nakasagot ay yung babaeng iyun at sinabing nasa bathroom ka raw at naliligo. Kaya tinext kita kung nasaan ka. Do you remember kung ano ang nireply mo noon? You said that you're at Marco's house kasi may pag-uusapan lang kayo. Mag-isa lang pala ang bahay nung dalawa." Di ko napigilan ang hinanakit sa boses ko.

"And just because of that lame reason, you left me? You left me without allowing me to explain." disbelief was written on his face.

"Gulong gulo ako that time kung sino ang paniniwalaan ko. I called you, then sinagot niya kung anong ginagawa mo. Then after 30 minutes, I messaged you, then sabi mo nasa kaibigan mo ikaw."

Nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Then you didn't have trust in me."

Parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

Hindi ko siya masisisi kung ganun ang tingin niya.

"Siguro nga wala akong tiwala sa iyo. Pano nga naman ako magtitiwala sa isang katulad mo noon na walang ginawa kundi ang mag-uwi ng iba't ibang babae sa bahay niya kahit sa ganung edad."

Matapang ko siyang hinarap.

"And those were before you came into my life."

Mapakla akong napatawa sa small statement niya.

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa iyo. Di ko talaga alam. After ilang years, ngayon lang ulit tayo nagkita without even.."

"What? Without even searching you? Paano ko hahanapin ang taong ayaw magpakita?"

Tumahimik na naman sa paligid na parang may dumaan na anghel.

"Yeah, somehow, I was disappointed that you didn't searched me. You're asking me why I left you? Sometimes, there are some things that should be left unsaid."

Napansin kong maggagabi na pala at nakabukas na ang mga poste sa bawat cottage dito. At hindi ko napansin na may inorder pala siyang drinks sa amin. Red tea sa akin at brandy sa kanya.

"Some things that should be left unsaid? That's bullsh*t! You cannot left me like I was just your newly acquainted stranger." Gigil niyang tugon sa akin.

"But I did left you. And that's the fact that we can't change."

Painom na ako ng drink ko nang tabigin niya ang kamay ko at biglang siniil sa isang mapanindig balahibong halik.

Itinutulak ko siya ngunit lalo niyang idinidiin ang sarili niya sa akin. At hindi nagtagal, nafifeel kong sumusunod na ang katawan ko sa kanya at parang nasa isang sayawan kami dahil sa rhythm na pawang kami mismo ang gumawa.


A/N: Finally! :))


My Son's Father is my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon