Chapter 8

12.2K 249 4
                                    

Chapter 8

"San niyo gustong kumain?"

"Naks! Lumilibre! Happy Birthday Paul. Dun na lang sa malapit para hindi hassle" si Loisa.

"Para mas matagal tayong magkabonding?" Si Paul.

Nandito pa lang kami sa lobby ng building at nag-uusap kami kung saan kami magla-lunch. Nagyaya kasi si Paul. Birthday niya kasi. Pero sila lang talaga ni Loisa ang nagbabangayan, note na hindi nag-uusap.

"Ang kapal mo talagang Paul-unggoy ka! For our benefits din naman kung sa malapit lang. Remember, less than an hour and a half na lang ang break namin."

Hinintay at sinundo niya kasi kami sa department namin nung lunch break na namin. Wala kasi silang masyadong ginagawa sa department kaya pa-chill chill lang sila. Birthday daw niya kaya ganun. May charisma akong nakikita diyan sa dalawang iyan pero mukhang hindi pa nila nakikita ang sparks ng bawat isa. Ano ba ito. Parang college lang.

"Oo na, sabi mo e." sabay tawa ni Paul ng makita ang pikon na mukha ni Loisa. Napapailing na lang ako sa kanila.

"Kayo, saan niyo gusto? Nagtatanong na itong unggoy na ito. Ayy, si Paul pala. Pagbigyan, birtday naman niya eh"

"Buti napansin niyong may kasama kayo. Palibhasa nawawala mundo niyo pagmagka-usap kayo." sabay tawa ni Gail.

"Yuck--" "Eeww--" sabay na sabi nung dalawa. Tapos galit na nagtitigan.

Nasa tabi ko si Gail. Hindi ko alam kung parehas kami ng iniisip ng tungkol sa dalawa. Pero mukhang pareho nga kami. Nagkatinginan kami, at napatawa. Sabay ba namang nagreact.

"Tama si Loisa, sa mas malapit na lang tayo maglunch. Tama na yan, baka hindi na lightning ang makita namin sa pagitan ng pagtitigan ninyo at sparks na." Bumunghalit na naman kami ni Gail.

"Halika na nga!" Pikon na si Loisa. At nauna ng lumakad papunta sa labas. Sinundan naman na siya ni Gail.

Napansin ko si Paul na parang ngingiti ngiti. Nakita niya ako at biglang nagseryoso. Napatawa naman ako.

"Goodluck diyan sa feelings mo." tinapik tapik ko pa sa balikat at nauna na sa kanyang maglakad. Hay buhay nga naman nila, ginagawang komplikado.

~~~

Napunta kami dito sa pizza parlor na malapit lang sa building. 15 minutes drive away siguro.

Masaya kaming nagkekwentuhan ng mapansin kong kanina pa hawak ang cellphone ni Gail at ngingiti ngiti na naman. Mukhang kilala ko na katext niya. Si loving husband na naman niya. Napangiti ako pero biglang nawala.

Husband...

Husband...

Ano ba yan! Naalala ko na naman yung kumag na iyon.

"O Veron, parang dinouble murder mo na iyang chicken na nasa plato mo." Nakangiwing sabi ni Loisa sa akin. Napatingin naman si Gail at Paul sa akin na nagtataka.

Di ko namalayang dito ko pala nabuntunan ang galit ko doon sa isang iyon.

"Oh, Paul! You're here. Seems you're having a birthday blast here with the loving ladies of Accounting department." dugtong ni Ma'am Jhen. Department head nila Paul. Napatingin na rin ako sa kanila. Mukhang may lunch-out ang mga department head. Kumpleto sila ngayon. And they are with the devil in disguise.

My Son's Father is my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon