Chapter 19

7.9K 147 65
                                    

Chapter 19

"Baka umasim ang mukha ng baby ninyo?" At inemphasize pa ni Loisa ang 'baby niyo' habang inuulit sakin iyan ngayong lunch break namin. Nasa canteen kami kumakain ngayon with Gail.

"What is the meaning of that?" Dagdag pa niya.

Nagpunas ako ng bibig bago ko siya sinagot. Baka hindi pa ito makakain buong lunch break hangga't 'di siya nasasagot.

"Ano kaya sa tingin mo?" Painosente kong tanong sa kanya. Kakatuwa kasi siya pag-tripan ngayon. Stress na stress siya.

Sabay tingin niya sa tummy ko tapos kumunot pa noo. Kaya napatawa ako sa reaction niya.

"O-M-G" sabay pa sila Gail and Loisa niyan ah.

"You are preggy?"

"As in magiging kuya na si Cy?"

"As in may binebake na sa oven?"

"As in may lamang baby iyang tummy mo?"

Hindi ko napigilang humagikgik sa dami ng tanong nila na isa lang ang sagot. Tumango ako sa kanila. What's the point of hiding kung narinig naman nila kanina dun sa mahaderang Ashley na yun. Thankfully for me, yung cubicle naming tatlo ang malapit sa visitors lounge ng department kaya sila lang nakarinig ng sinabi nun.

Kaya nagkwento na ako sa kanila ng buhay ko. From kasal to magkakababy. Pero exclusion of the dramas.

"So meaning alam mo to Gail? Tapos di niyo sa akin kinukwento? Hmp." Nagtampo pa ang loka.

"Baliw, hanggang kasal lang ang alam ko. Di ko rin alam na magkakababy na sila ulit. Malihim talaga tong friend natin. 'Di dapat kinakahiya ang dalawang gwapo sa buhay niya." Kinikilig pang sabi ni Gail.

"Pero please. Don't tell this to others. 3 to 4 months na lang ako dito then pinagreresign na me ng mokong."

Pakiusap ko sa kanila. Knowing the others, kahit medyo kilala at malapit na ako sa kanila, di ko pwedeng sabihin sa kanila ang estado namin ni Emman. Mag-iiba ang tingin nila. At saka hindi ko hawak ang mga ugali nila.

Natuwa ako nang sabay silang tumango. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nila habang kumakain.

"Kaya pala iba ang pag-aalala ni sir nung nag night out tayo. Sabi na e. Akala ko may something fishy lang sa inyo. Something sweet pala."

"Ang daldal mo, Loi. Pero yan din ang naamoy ko dati. Pero more than that pala. Diba, 'di dapat tinatago. Dapat ipagmalaki."

Tingnan mo to. Pinuna na madaldal yung isa, madaldal din naman siya.

"O-M-G" inulit pa nila reaction nila.

"Oh ano mayroon at gulat kayong dalawa? Dahil ba nakita niyo ako?"
Napairap ako sa remark ng kadadarating lang na isang ito. Si Paul.

"Luh! Nakatalikod kaya silang dalawa paano ka nila makikitang parating?"

"Easy lang Veron. Kakakita mo pa lang sa akin, init kaagad ng ulo mo. Baka maging kamukha ko ang baby mo."

Gulat akong napatingin sa kanya. Pati yung dalawa di makapaniwala sa sinabi ni Paul. Paano nalaman ng isang ito?

"Oh, ba't gulat na gulat kayo, noon ko pa nalaman." Huh?

"Simula ng naging weird ka sa mga kinakain mo-- aray naman Loisa. Nagkekwento yung tao." Umirap pa ang loko. Cute talaga nila.

"Kung gusto mong mahalikan, sabihin mo lang. 'Di naman ako madamot."

Tiningnan ko yung nginunguso ni Loi. Si Emman pala papasok sa canteen. Masama ang tingin. Kasama sila Ms. Jhen and Kevin. 'Nu na naman problema nito kanina pang umaga ito moody. Daig pa babaeng may dalaw. Inirapan ko nga.

"Oh Paul. Tuwing lunch time na lang ba kitang makikitang nagpapalakas dito sa mga naggagandahang dilag ni Emman." Kantyaw ni Ms. Jhen.

"Ayy nako si ma'am naman. Si Loisa lang naman ang dilag dito na available. Ayaw pa mag-aminan e."  Singit ni Gail.

"Tama na ang asaran kids, mind if we join you here? Mukhang wala nang ibang available seats. Diba pre? Sabay tanong ni Kevin kay Emman.

"Indeed." Matipid na sagot nung isa sabay talikod at pumunta na sa counter.

"Tsk." Tinapik pa ako ng lokong Kevin. "Okay lang yan Veron. Mahal ka nun.." hahampasin ko na sana ang loko pero naunahan ako ni ms. Jhen.

"Ikaw, puro ka kalokohan, bilhan mo ko ng lasagna at cheesecake dun. Magmadali. Oh wait, may gusto pa ba kayong kainin?" Tanong sa amin ni ma'am. Umiling na sila ako nagdadalawang isip pa. Gusto ko sana ng cheesecake pero nakakahiyang magpasabay. Kaso madami na akong kinakain.

"Ikaw Veron?" Nakatingin na sila sa akin.

"Okay lang ba? Cheesecake lang sana. Yung-- ohh." may naglapag ng platito sa harap ko with cheesecake on it. And it's Oreo!

"Veron, no need na pala. Got to go. Keep it up pre." Tumatawang kantyaw ni Kevin sa kaibigan. Napailing na lang ako.

"Thank you." Bulong ko kay Emman nung umupo siya sa tabi ko.

Mabuti na lang at nasa dulong bahagi kami ng canteen umupo at kaunti lang dumadaan.

Tinignan ko yung mga kaibigan ko, at mga nakangiti silang lahat except kay Paul na nagtataka pa rin. Alam na nga niyang buntis ako. Mukhang di pa niya alam kung sino tong nasa tabi ko.

"Wait, Veron." Si Paul. Nahanap na ata ang boses.

"Tatanungin ko lang sana kung--"

"Wife." Bigla kong sinamaan ng tingin itong isa. Ang hilig talaga mamutol ng sinasabi. Mukha namang walang sasabihin gusto lang niya akong asarin.

"Ano yun Paul?" Nakangiti kong tanong kay Paul habang kinakain ko itong oreo cheesecake. Yummy talaga. Nakakagood vibes ang cheesecake.

"Wife, don't forget our dinner later." Halata mo sa boses ang amusement ng mokong na ito. Nang-aasar lang. Wala sa lugar.

"Paul isara mo yang bibig mo baka pasukan ng langaw" at napuno ng tawanan ang buong lamesa.

"Ako lang ang may hindi alam? Bakit? Bakit? Kaibigan ko ba kayo."

Nagdrama pa ang lolo mo. Hindi man lang nahiya sa boss niya.

"Kaibigan mo kami pero tinanong mo ba kami kung kaibigan ka namin?" Panggagatong ni Gail sa kadramahan ni Paul.

"Parehas pa kayo ni Loisa. Ang drama." Tumatawang puna ko sa kanila. Ayun, natahimik na naman po sila.

"Oh, may dumating lang na guwapo, tumahimik na kayo."

Umirap na lang kami sa kahanginan ng isang ito. Itinuloy na lang namin ang kainan. Mahaba habang araw pa ito. May dinner pa kami mamaya. Hayyy.

A/N: Short update lang po para malaman ninyong buhay pa si Author. Hahaha. Anyway, thank you for reading and waiting! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Son's Father is my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon