Chapter 16

10K 191 12
                                    

Chapter 16

Pagkapark ko ng baby ko sa isang karaoke bar dito sa Timog, dumeretso na ako kung saang room ang pinareserve nila. Kanina pa nagtetext sila Loisa kung nasaan na raw ako kahit si Emman may text, ayy threat ata 'to. Bahala siya kahit maaga kaming umalis sa bahay, rather mas maaga kong pinaharurot yung kotse, nagliwaliw muna ako. Na-miss ko to e. After more or less 2 weeks ngayon lang ulit nakapagdrive ng wheels.

Pumasok na ako sa room, at dumeretso na ako sa upuan na tabi nila Gail.

"Gaga ka. Bakit ngayon ka lang?" sabay mahinang sabunot sa akin ni Gail.

"Dumating sa buhay mo?" natatawang sagot ko sa kanya.

"Good mood ka ata ngayon. Ano nakain?" ice cream! Si Loisa naman ang nagtanong. Kala ko di nya na kami papansinin dito sa tabi niya. Busy kay Paul.

"Akala ko ba department night-out ito? Bakit may IT?" sungit sungitan lang.

"Aalis na nga ako. Ayaw ako makita ni Baby dito e. Palit nga tayo ng pwesto Loise. Aaluin ko lang."

"Tumahimik ka nga Paul. Diyan ka na sa tabi ng loveydubs mo." Pigil ni Gail sa kanya. Napakamot ng batok si Paul sa sinabi nito.

Kung nakakamatay na ang tingin, kanina pa siguro may ambulansya dito. Hindi ko na lang pinansin yung masamang tingin nung isa. Masama na bang ma-late?

Nilibot ko yung tingin sa karaoke room dito. Normal lang din naman katulad sa iba. Malawak nga lang ang space, may flat form sa harapan para sa mga makakapal ang mukha kumanta dun at may malaking screen kung saan nakaproject yung karaoke.

"VIP itong nakuha niyo? Ambagan ba ito?" pag-iiba ko sa mga tanong nila kung bakit ako late. Ano sasabihin ko? Ah kasi natuwa ulit akong magdrive, mas mabilis mas masaya, tapos naglihi ako bigla sa ice scream. Baka matuluyan na ako kay Emman kung sakaling marinig niya iyun.

"Treat naman ito ni Sir. Sinabi niya na kanina pa sa office kaso kanina pa rin hindi good mood may pinagdadaanan yata. Pero in fairness ha, kahit pinagsukluban ng langit at lukot ang mukha, devilishly handsome pa rin. Hindi biro lang."

"Gail, kung di ko lang talagang alam na may Miko at Micah ka, baka iisipin kong isa ka dun sa mga iyun." Biro ko sa kanya dun sa tatlong kausap ng kausap kay SIR. Hindi naman sila pinapansin nung isa dahil busy sa phone.

"Heh! Im just stating his assets. Hihi. Tignan mo yung dalawa sa gilid mo, hindi pa umamin pero kakaiba yung sweetness." Anong konek?

Napatingin naman ako sa dalawa. Nakakakilig nga. Masinsinan kung mag-usap akala mong hindi namin napapansin. Tinulak ko pagilid si Loisa. Kunwari nagtatawanan kami ni Gail dito.

"Ayy, sorry Loisa! Nandyan pala kayo? Paramdam naman oh. Hindi lang po kayo tao dito." Pinamulahan naman yung dalawa pero ayun na naman po, itinago na naman nila. Well, walang naitatago sa instinct ng mga buntis.

Kaysa pakialaman namin ni Gail iyung dalawa, nakijam na lang kami sa iba naming kaopisina. Madali naman silang pakisamahan maliban dun sa tatlo, well, ganoon din naman nafifeel nung iba towards to those three. Wala namang magagawa kasi malapit sila dun assistant head namin, si Ma'am Cris. Saka they are also an assets in the company.

Tumunog yung notification ringtone ng phone ko. Pagkakita ko, si Emman nagtxt.

Why are you late?

Magrereply na ako. Baka biglang sumabog na parang bomba dun sa pwesto nun.

Just strolled around.

My Son's Father is my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon