Chapter 7
"Kamusta ang kuya?"
"As if hindi pa kayo nag-uusap." I rolled my eyes at her.
"Masama bang tanungin kung kamusta si kuya in your own point of view?" at hindi nagpatalo, umirap din.
"Saka hindi pa kami nakakapag-usap ulit. Last time na nag-usap kami ay noong kakauwi lang niya.", dagdag niya.
Nandito kami ngayon ni Lilie sa isang cafe malapit sa bahay namin. Nakatingin lang kami sa children's play area dito sa loob habang nagkekwentuhan. Nandoon kasi sina Cy at Zoe, ang anak niya. Ito ang kainaman dito sa cafe na ito, may play area. Libre maglaro ang mga bata basta bumili ka sa kanila.
At kahit hindi namin mabantayan, may harang naman dun. Para siyang yung mga play area na may bayad sa mga mall -- bibigyan ka ng stub then isusurrender mo lang sa kanila iyun para makuha yung bata.
"He's busy acting like a boss. Command here, demand there. Good leader to everyone.", Napairap ulit ako. Napapadalas yata ang kakairap ko ah.
Napahagikgik naman itong kasama ko. May naalala pala ako.
"May tanong pala ako, Lilie. Anong balita doon sa divorce namin? He threatened me na huwag raw mapanatag dahil tandaan ko raw na hindi pa sya pumipirma noong binigay ko yung papers. Ano meaning nun?"
She smiled hesitantly and said,
"Mas magandang kayo ang mag-usap tungkol diyan." Sabay iwas ng tingin sa akin. Mukhang may hindi siya sinasabi pero ayoko ulit mag-assume unless otherwise stated, wika nga.
"Hindi mo ba sasabihin kay Cy ang tungkol sa tatay niya or sa tatay niya ang tungkol kay Cy?", untag niya after ng ilang sandali.
"Gusto ko man ipaalam sa kanya ang tungkol kay Cy. Pero natatakot ako na baka kunin niya ang bata." Naging mabigat ang atmosphere dito.
---
"Hi Papa! Carry me please!"
Napalingon kami kay Zoe nang biglang sumigaw.
"Hi Zoe, where's your mama so i can fetch you here?"
Tinuro kami ni Zoe at lumapit na si Lilie para ibigay sa kanya yung stabs. Kinuha rin niya yung sa akin para makalabas na rin si Cy. Napangiti naman ako sa kanila. Ang cute kasi nilang family.
---
"Hi again, my dear wife."
Parang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok. Kaya napatayo ako bigla.
"What-"
"Huwag ka ng magkaila. 'Di ba sabi ko namang mag-uusap tayo? Siguro ngayon na iyun. I'll listen to everything you want to explain." At prenteng nakaupo na sa harapan ko. Bigla akong kinabahan sa presensya niya. Paano ku--
Napansin ko si Lilie na kumaway sa akin at sumenyas na sinasabing huwag mag-alala dahil hindi naman napansin ng isang ito si Cy. Buti naman sa ganoon.
"Sa palagay ko ikaw ang may dapat ipaliwanag, Mr. Salazar." At pinagdiinan ko ang itinawag ko sa kanya. Umupo na rin ako. Siguro ito na nga ang oras para magkaliwanagan na kami
"Sabi ko nga sa inyong mga nasa department ko, drop the formalities. So Emman will do. Nasa labas naman tayo ng opisina." he said with a smirk, as usual. Buti napigilan ko ang pag-irap.
"Or baka gusto mong hubby or bunchie" he chuckled.
Bakit ba napakamanly ng kilos nito. Nakakainis.
"Magseryoso ka nga! Eto na. Ganito ang gagawin natin-" Nakakahalata na akong panay ang pagputol niya sa mga sasabihin ko ah. Patience Veron, patience.
"Anong gagawin natin?" He mocked.
Ggrrrr! Nawawala ang mga pinag-aralan ko sa isang ito.
"Please, kahit ngayon lang magseryoso ka" seryosong sabi ko.
At buti na lang nakaramdam at tumahimik siya kaya nagpatuloy ako.
"Anong ibig mong sabihin dun sa hindi mo pa pagsa-sign sa divorce papers natin?"
Again, he smirked! Ang sarap talaga niyang sakalin.
"Bakit ka umalis ng walang ibinigay na rason?" naging seryoso na rin siya.
"Alam mong hindi dapat sagutin ang isang tanong ng isa pang tanong. Ako ang unang nagtanong kaya ako dapat ang una mong sagutin."
"Pero nauna ang pag-alis mo bago ang pagbigay sa akin ng kapatid ko na best friend mo ng mga papel na may pirma mo na hindi ko naman alam ang rason kung bakit ko kailangan iyun pirmahan."
Natigil ako at nagkatitigan kami. Walang nagpapatalo. Pero ako na ang naunang umiwas ng tingin.
"May sarili akong rason kung bakit. At hindi ko pa handang sabihin sa iyo."
"May sarili rin akong rason kung bakit di ko pa napipirmahan."
"Huh?" Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Alam kong narinig mo. Yeah you heard it right. Hindi ko pa napipirmahan iyong mga papel hanggat hindi mo sinasabi ang reason kung bakit."
Sa gitna ng katahimikan namin, nag-ring yung phone niya at tumayo na.
"Maybe hindi pa ito ang oras. Pero dadating din tayo diyan sooner. Goodbye for now, wife"
Natulala lang ako noong umalis siya sa cafe.
---
Paanong hindi nabanggit sa akin ito nila Lilie saka ni mama. Silang dalawa ang pinagkatiwalaan ko sa pag-aayos. Napabuntong hininga na lang ako.
"Hi mommy!" si Cy sabay kiss sa cheeks ko.
Napatingin at napasmile ako ng bahagya sa kanya. Then, napatingin ako sa isa niyang kasama.
"Cy, let's go muna ha. Play muna kayo ni Zoe sa park." buti nakaramdam si Ric na kailangan namin mag-usap kaya tumango lang siya sa akin at tinapik sa balikat ang asawa niya.
"Sorry Nica." siya ang nagbasag ng katahimikan.
"Ayoko kasi maghimasok sa inyong dalawa. Ibinigay ko kay kuya and I swear, pinilit ko iyun papirmahin sa kanya kasi iyun ang gusto mo pero tinanong niya ako kung bakit mo gustong makipagdivorce. Iyun ang hindi ko masagot." pagpapatuloy niya.
"For almost 7 years Lilie, really?" hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya.
"Sorry talaga. Nagpasya kasi kami ni tita na huwag na ipaalam sa iyo kasi maselan ang pagbubuntis mo noon. Saka naisip naming baka pirmahan na rin ni kuya iyon sa pagod sa kahihintay sayo. Pero mali pala kami. Sorry talaga."
"Sorry sa iyo ko nabunton yung inis ko. Nakakainis kausap ang kumag mong kuya. Pero gusto ko munang mapag-isa. Pakibantayan muna si Cy. Saglit lang ito. Salamat" Nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti na rin siya at magaan siyang umalis dito.
Hindi naman ako galit kay Lilie at kay mama. Nagtampo lang ng kaunti. Pero hindi ko sila pwedeng kagalitan kasi tinulungan lang naman nila ako dito sa problema. Kailangan ko lang talaga mapag-isa.
A/N: Medyo napahaba pala (Para sa akin, mahaba na yan) :)) Thanks for waiting and enjoy reading. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/4323187-288-k67691.jpg)
BINABASA MO ANG
My Son's Father is my Boss
General FictionIs there a possibility of backing out because your mind say so? Or just do whatever you have to because it is your heart say so? *This is a Filipino/Tagalog-language story* :)