Chapter 6
The Talk
"Walang sikretong di nabubunyag, tandaan mo iyan, 'nak", sabay higop niya sa kape.
1 week na ang nakakalipas noong nagkaroon ng despedida party ni ma'am Rissa. At nandito kami ngayon ng anak ko kay mama. Weekend naman tomorrow at walang pasok, kaya dito kami magpapalipas ng gabi. At ngayon, pinag-uusapan namin ang pagkita ulit namin ni Emman. Hindi namin napag-usapan ito last week kasi may inasikaso si mama.
"Alam ko naman iyun ma. Pero di mo maiaalis sa akin ang takot"
..takot na baka kunin niya si Cy...
The whole week was well spent. Both of us act professionally. Pero di pa rin mawawala ang pagsmirk niya pag nakakasalubong ako.
Tapos sa bahay naman, ganun pa rin ang set-up. Ako maghahatid kay Cy tapos susunduin siya ni mama. At susunduin ko naman si Cy sa bahay ni mama.
Tapos kanina,
-
"Ms. Manuel", may pag-uuyam na pagtawag ni Sir sa akin. Bakit parang kinilabutan ako doon?
"or Mrs--"
"Huwag mong ituloy. Divorced is divorced. Alam mo yan. Bakit ko gagamitin ang pangalan na alam kong hindi na akin" pagpigil ko sa kanya. Buti hindi ako nagstutter. Nandito ako ngayon sa office niya to pass some reports na tapos na naming icheck.
"Talaga lang ha? Baka nakakalimutan mong noong pumirma ka, wala pa akong pirma noon"
Tila kumabog ang dibdib ko.
"Anong--"
"Sir your meeting with the board will start in 10 minutes"
Parang save by the bell ang dating ni Katie, ang sekretarya niya.
-
At yun ang pinag-uusapan namin ni mama ngayon. Hindi ako tanga para intindihin yung sinabi ni--, nung taong yun. Ayoko lang isipin ang possibleng kahulugan ng sinabi niya.
"Mapunta nga tayo kay Cy. Kamusta ang schooling niya, ma? Nakakacope-up ba siya ng maayos?"
"Sabi naman ng teacher niya, he is good. Mabilis naadopt ang environment. Bibo, masipag at matalino din daw ang apo ko", proud na sabi ni mama.
Napangiti naman ako. Mukhang nakuha niya sa-- akin ang characteristics ni Cy ah. Well, sige na nga, may nakuha din sya sa ama niya.
"Napasali nga pala siya sa math quiz bee kaya male-late ng uwi si Cy ng isang oras. Huwag kang mag-alala ako ng bahala maghintay. Mana sayo ang anak mo eh."
"Na mana sayo, ma"
Nagkangitian kami then sabay napatawa. Kulang na lang ng gatas at para na kaming nasa commercial.
Sana palagi na lang ganito. Yung magaan lang ang buhay. Walang problema, walang stress. Puro tawanan kwentuhan. Pero sabi nga, paano natin malalaman ang gaan ng buhay kung hindi natin mararamdaman ang bigat.
Alam kong hindi ko maiiwasan ang pagsubok na ito. Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na tatakbuhan ang mga problema ko.
Sana lang talaga...
---
"Mommy wake up! It's morning na po. You need to wake up na, mom! Mom!"
"Yeap, anak. I'm already awake. Just five minutes"
"You just said that 5 minutes ago."
I imagined his pout. Soo cute.
"Ah ganun, anak. Ginaganyan mo na si mommy ah"
Humanda ka sa akin, anak. Bigla ko siyang hinablot then pinaulanan ng kiliti at napuno ang kwarto ng tawanan namin.
"Mommy naman e, why did you tickled me. I'm a big boy na so I should act like one" with pout.
"Awww, so I don't have a baby boy now, then? Who will I hug now?" Hindi naman nagpatalo ang lola niyo. Nag pout din but I know, mas cute si Cy pagdating sa ganito.
"Don't be sad, mom. I will always be your baby boy who can hug you always. Kaya don't be sad na. I love you.", sabay halik sa pisngi ko.
Pero look, mabilis magbago isip niyan pagdating sa akin. Konting facial expression lang.
"Walang bawian yan ha? I love you, too, Cy."
"Oh, tama na muna ang lambingan. Kain muna ng almusal sa baba.", dungaw ni mama sa pinto namin
At after ng dramahan namin ng anak ko, bumaba na kami to start our day.
A/N: Thanks po sa pag-intay. Narealize ko na dito pala sa huli dapat ilagay ang note. By the way, nakakatuwa naman po ang mga nababasa kong comment. Puro "UD na po". Wala na po bang iba, yung kahit may please man lang? Hahaha! I know, MIA na naman si leading man kasi nagwo-work shop pa po siya. Hahaha! Enjoy reading! :)
BINABASA MO ANG
My Son's Father is my Boss
General FictionIs there a possibility of backing out because your mind say so? Or just do whatever you have to because it is your heart say so? *This is a Filipino/Tagalog-language story* :)