2. Wag nang Umasa

20 0 0
                                    

Wag nang umasa dahil nakakasawa,
Ang pag-ibig mong walang pag-asa.
Sa taong binabaliwala ang pag-ibig sa kanya.
Maghintay nalamang at darating din sya.

Sa tuwing makikita mukha ng mahal,
Laging sinasabi sa ating maykapal,
Sana hindi ko nalang sya nakilala,
Para wala na akong inaalala.

Kapag nag-iisa laging may luha sa mata,
Naalala ang araw na sinabi ko sa kanya,
Na ang puso ko'y sumusinta,
Ay para lamang sa kanya.

Kaya siguraduhin nilalaman ng puso,
Dahil ang pag-ibig minsan ay tuso.
Wag nang umasa pa,
Sa taong may mahal ng iba.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon