25. Ano Ang Gagawin Ko?

14 0 0
                                    

Alam mong masaya ako,
Pag ako'y nasa piling mo.
Pero bakit ka nagtatampo,
At hindi man lang ako kinikibo.

Mahirap para sa akin ang di ka makita,
Mahirap para sa akin di ka kasama,
Mahira para sa akin ang iwan ka,
Pero mas mahirap ang pabayaan mo ako sa iba.

Ako'y palaging nagtataka,
Di na kita nakakasama.
Kahit tinitignan na kita,
Umiiwas ka nakikita ko sayong mga mata.

Kung pababayaan ko baka lumabo,
Ang pakikisama at iyong pakikitungo.
Ano ba ang gagawin ko,
Para bumalik ang dating ikaw na nakilala ko.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon