13. Bakit Ikaw Pa

15 0 0
                                    

Minsan ang mahal mo,
Walang pagtingin sayo.
Lagi kang umaasa,
At masasaktan pa.

Alisin ko man sa isip ko,
Pero ang puso ko'y sumasamo.
Bakit ba ganito,
Masakit at nakakalito.

Bakit ka pa dumating,
At ang puso ko'y inangkin.
Gusto ko nang kunin,
Ang puso kong kinuha mo sakin.

Talagang napakasakit,
Kung ang damdamin pa'y pinipilit,
At hindi alam kung may pagtingin,
Ang puso mong hirap unawain.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon