7. Sino Sa Kanila

8 0 0
                                    

Noong malapit na akong maging ganap na dalaga,
Ang gusto ko ay may kasintahan na.
Ngayon ang damdamin ko'y naiinip,
Sino at kailan ba sya lalapit?

May dalawang magkaibigan,
At ang isa ay aking kasintahan.
Pakiramdam ko mahal ko yong isa,
Sapagkat palagi nya akong pinapasaya.

Minsan nasagi sa aking isipan,
Na hiwalayan ang kasintahan,
Dahil wala syang oras sa akin,
At makisama sa amin.

Isang gabi na ang bwan ay maliwanag,
Sinabi ng kaibigan at sa loob ay may habag.
Na sa akin ay may pagtingin,
Ako nama'y hindi nakailing.

Naguluhan ang isipan,
Magsasabi rin ba ako ng nararamdaman?
O kaya ako'y kanyang sinusubukan,
Kung gaano kamahal ang kasintahan.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon