26. Wag Naman Ganito

6 0 0
                                    

Alam mo hindi ako anino,
Ako'y laging nandito nasa tabi mo.
Hindi rin ako hangin,
Na hindi mo man lang napansin.

Hindi rin ako halaman,
Na iyo lang tinatapakan.
Kahit anong pagpapansin ko,
Baliwala lang sa iyo.

Kinakausap na kita,
Pero wala paring kwenta.
Lakasan ko man boses ko,
Pero parang napakabingi mo.

Ano ba ang problema mo,
Gusto mo alugin ko pa ulo mo,
O di kaya humarap sa mukha mo.
Gusto ko nang sumuko sayo.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon