10. Di Ba Pwede Ang Isa?

14 0 0
                                    

Palagi akong nagtatanong,
Kung bakit ba palaging ganon.
Ang mga kalalakihan,
Sinasaktan damdamin ng kababaihan.

Sa tuwing may nagugustuhan,
Agad itong liligawan,
At kapag ito'y pinayagan,
Agad-agad nang iiwan.

Sa twing mayroon ng kasintahan,
Maghahanap pa ng iba dyan.
Bakit di makontinto sa isa,
At maghahanap pa ng iba.

Ano ba ang mapapala,
Kung maraming babae ang makukuha.
Ang hiling ay masaktan din sila,
Sa mga kasalanan nila.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon