5. Tama Na Ang Minsan

8 0 0
                                    

Nang minsan akong masaktan,
Sa taong aking hinangaan.
Ang puso ko'y parang mabibiyak,
Pati narin ang aking utak.

Ilang araw,ilang bwan kong tiniis,
Ang sakit na binigay nya sa akin ng labis.
Kahit anong pilit ko syang kalimutan,
Pero bakit ayaw nya akong tantanan.

Gusto ko nang iwan,
Ang mga bagay na aming kinagiliwan,
Dahil sa twing maiisip,
Hindi ko matiis ang subrang sakit.

Naging masaya nang makalimutan ka na,
Sapagkat nakahanap na ako ng iba,
Pero nang minsan sinabi nya sa akin,
Na ako pala'y mahal nya parin.

Kung kailan wala nang pagtingin,
Bakit pa lapit ng lapit sa akin,
Dahil ayaw ko nang masaktan,
Sapagkat tama na ang minsan.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon