28. Sinungaling

25 0 0
                                    

Bakit ako nagkakaganito?
Hindi ko maamin sa sarili ko,
Na kailangan kita,
At gusto kang makasama.

Inaaway pagnaandyan ka,
Sinusungitan pagdumarating na,
Pero ayos parin sayo,
Kahit ganito ako.

Palagi mo akong pinagiisip sayo,
Naiinis na nga ako.
Ano bang meron sayo,
At binago mo ang mundo ko.

Kahit gusto ko mang sabihin,
Pinipigilab parin ang damdamin.
Hindi ko maamin sa sarili ko,
Na mahal kita at yan ang totoo.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon