15. Sa Gabing Madilim

97 0 0
                                    


Sa kalaliman ng gabi,
Nag-iisa at walang katabi.
Naririnig ang patak ng tubig,
At ingay ng mga kuliglig.

Habang binabalot ang paligid ng kadiliman,
May biglang pumasok saking isipan.
Ang araw ng una kang masilayan,
Bumabalik sakin ng dahan-dahan.

Naalala ko ang mukha mo,
Kahit ako'y nakatitig sa malayo.
Mga galaw at kilos mo,
At ngiti mong nakakapanlumo.

Hindi ko malaman,
Bakit bigla kang naisipan.
Ako ba'y iniisip din,
Sa gabing madilim?

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon