30. Masakit

9 0 0
                                    


Di ko man lang nakikitang nalulungkot ka,
Habang ako naman ay nagdurusa.
Di ko man lang nakikitang nasasaktan ka,
Habang masaya ka sa tuwing kasama mo sya.

Lagi kitang pinagmamasdan,
Lagi kitang sinusulyapan,
Para na akong tanga,
Umaasang titingin ka pa.

Alam kong wala akong karapatang masaktan,
Dahil isa lang naman akong hamak na kaibigan.
Pero sana kahit wala nang tayo,
Wag mo namang iparamdam sakin na parang wala lang ako sayo.

Masakit ang makita kang masaya,
Habang ako di man lang magawang tumawa.
Ngayong hindi na kita nakakasama,
Sana magawa kong ngumiti nang wala ka na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon