17. Torpe

14 0 0
                                    


Ilang bwan nang tinititigan,
Ngunit di pa alam iyong pangalan.
Halos araw-araw naandyan,
Di pa masabi ng diritsyahan.

Pagnaandyan ka inuunahan ng kaba,
Di masabi ang nadarama.
Ilang beses nang sinusubukan,
Pero dila'y umuurong ng dahan-dahan.

Ang lakas ng tama ko,
Sa babaeng katulad mo.
Simple lang at walang arte sa katawan,
Kapag ika'y ngumingiti,loob ko'y gumagaan.
Bakit ba laging ganito,
Di pa masabi sayo.

Ako ba talaga'y nerbyoso,
Pagdating sa katulad mo?
Kahit gusto ko nang aminin,
Ayaw paring iparating.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon