29. Ipadama Mo Sakin

12 0 0
                                    


Ang sabihing mahal kita ay madali lang para syo,
Ang sabihin mong importante ako,
Ang sabihin mong di ito magbabago,
At sabihin mong lagi ka sa tabi ko.

Okay na sana kung lahat ng ito'y totoo,
Ang sabihin mong mahal mo ako,
Pero ang gusto ko ay ipadama mo,
At hindi lang hanggang sa labi mo.

Kung sagutin man kita,
Hindi parin ako magiging masaya.
Oo,ganito nga tayo,
Pero may kulang sayo na hinahanap ko.

Kung maiintindihan mo lang ako,
Hindi na ako magdududa sayo.
Gusto ko totoo ang iyong damdamin,
Wag mong sabihin,ipadama mo sakin.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon