18. Bakit

14 0 0
                                    


Hindi kita maintindihan,
Bakit ka palaging ganyan?
Kinakausap mo ako ngayon,
Kinabukasan wala man lang tugon.

Naiinis ako pagganyan ka,
Ginagawa mo lang akong tanga.
Kaya nga natatakot na ako,
Kausapin ang tulad mo,
Masasaktan lang ako ni kahit isang salita walang tugon galing sayo.

Nanghihinayang ako bakit nagkaganito,
Sayang lang ang pagiisip ko sayo.
Hindi mo man lang binibigyang halaga,
Ang araw ko'y ikaw ang nagpapasaya.

Kung talagang ganyan ang gusto mn,
Wala na akong magagawa pa sayo.
Pero nagpapasalamat ako nakilala kita,
At napasaya mo ako yan ang mahalaga.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon