14. Pag-Ibig

13 0 0
                                    

Ang salitang pag-ibig,
Ay kusang lumalabas sating bibig.
Ito'y mararamdaman sa dibdib,
Ng mga taong tunay na umiibig.

Masarap maramdaman,
Ang mga pusong nagmamahalan.
Sa hirap man o ginhawa,
Palaging magkasama.

Palaging nagsusuyuan sa ilalim ng bwan,
Ang dalawang pusong nagmamahalan.
Hindi na mapapantayan,
Ang lubos na kasiyahan.

Kapagpuso na ang pinag-usapan,
Walang makakapigil kahit pa ang kapalaran,
Abutin man ng unos at bagyo,
Ang pag-ibig sa isa' isa'y di magbabago.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon