6. Panandalian

9 0 0
                                    

Noong araw na iyong nilapitan,
Biglang tinanong ang aking pangalan.
Dahil sa unang kita sa akin,
Biglang tumibok ang iyong damdamin.

Agad-agad namang binigay ang hinihingi,
Dahil sa gwapo mo na di dapat itanggi.
Agad nahulog ang loob,
Dahil sa mga salita mong nakakalugod.

Dalawang bwan akong niligawan,
At agad naman akong nasiyahan.
Napagdisesyonang ika'y sagutin,
Dahil ayaw kong ika'y mabitin.

Naging masaya tayo sa araw na lumipas,
Pero pakiramdam ko pag-ibig mo'y kumupas,
Dahil may iba ka nang nagugustuhan,
Kaya ako'y iyong iniwan.

Ang pag-ibig mo pala'y katulad ng isang bola,
Na bigla nalang nawawala.
Akala ko pagmamahal mo'y tunay,
Katulad ka rin ng iba na walang saysay.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon