24. Kapagwala Ka

11 0 0
                                    

Natatakot akong mag-isa,
Lalo na kung di kita kasama.
Hindi ako sanay na wala ka,
Palagi kang hinahanap ng mga mata.

Alam kong andyan ka lang sa tabi,
At ang sarili ko'y sinisisi.
Bakit hindi kita kinakausap,
Tapos ngayon ika'y hinahanap.

Nasa huli talaga ang pagsisisi,
Pero patuloy paring kinukubli.
Ngayon ako ang nasasaktan,
Sa aking mga kamalian.

Gusto ko nang ika'y kausapin,
Pero baka din mo ako pansinin.
Papaubaya na kita sa kanya,
Alam kong sa kanya ka mas sasaya.

Mga Hinabing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon