nasa grade 5 nako that time.isang buong bahay ang ni rent namin na 2storey sya. maganda sya na may kalumaan na. 3 bedrooms sa taas 2bedrooms sa baba plus 1 stock room...
may kasama kaming naka board sa bahay. bale sila ang nauna sa bahay na nag rent pero malapit na sila magkabahay kaya nagsama sama kami habang naduon pa sila. mababait naman sila at kasundong kasundo namin. wala silang anak na mag asawa.
nasa kusina ako nuon hinihintay matapos maghugas ng pinggan si mama. ayaw nya kasing ako maghugas. si papa nasa labas pinapakain yung alaga naming aso.
nainip ako kaya "ma,akyat na muna ako. baka nagsimula na yung are you afraid of the dark." nasa taas na kasi kapatid ko nakikipanuod wala kasi syang makakasama sa kwarto pag sa kwarto sya manunuod. "hala sige neng,akyat na at kami ng bahala ng papa mo rito. walang mag aaway ha"
"opo ma" tanging sagot ko
umakyat nga ako. habang paakyat ako sa hagdan,halos liparin ko kasi naeexcite ako sa palabas. nung nasa hallway nako malapit sa kwrto nina tita nora (ka board namin) bigla akong parang nanigas!
"Waaaaaaaaaa!" sigaw ng isip ko. may babae sa tapat ng kwarto nina tita kung nasaan din kapatid kong nakikipanuod. mahaba ang buhok nya at parang usok lng sya. ni hindi ko maaninag mukha nya. naka tunghay sya sa siwang ng pinto na parang naninilip sa loob. Gusto kong sumigaw sa takot at tumakbo pero tila itinulos ako sa kinatatayuan ko.
bigla syang humarap sa akin!!
nanginginig nako sa takot,gusto ko ng mahimatay nalang matapos lang ang lahat ng 'to. lalong nadagdagan ang kilabot ko nang mapagtanto kong naka lutang sya!
naka galaw lang ako ng bigla na lang syang nawala sa paningin ko. halos liparin ko ang hagdan pababa sa ground floor!! umiiyak ako at hinang hina habang naka akap ako at kinu kwento ko kina mama mga nangyari. bumaba naman sina tita at kapatid ko pagka rinig ng maingay na pagtakbo ko.
nanindig mga balahibo nila sa kwento ko. totoo raw na may nagpapakita sa bahay.
pinakalma nalang nila ako at sabay sabay na kaming pumanaog sa taas ng bahay.
halos 1week na natatakot akong mag isa dumaan sa hallway magmula nung nangyari un sakin.
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe
