UD po ulit! Pero di po sya talagang nakakatakot. Creepy lang po....
Nangyari lamang po ito nung nakaraang linggo lamang po....
Nasa entrance post po ako bilang lady guard ng hardware na pinapasukan ko.
May kalumaan na po talaga ang gusaling ito pero na mentena lang ng maayos at pintura para maging presentable sa mata ng mga tao at mamimili.
Sa post ko,ilang lakang lamang,
Comfort room na.9:45AM
Papasok sana sa cr isang empleyada pero di nya mabuksan.
(LG means LadyGuard or chief,tawagan po namin dito. Pati po mga empleyado ganito po kami tawagan or sa aming apelyido)
"LG,may nakita ka bang pumasok dito?" Sabi nito habang tinuturo ang naturang cr ng mga empleyado.
(Iba kase ang cr para sa mga customers)
"Ay hindi e. Bc kasi ako kanina nagba body frisking sa iba kaya di ko na napansin" sagot ko naman
Umalis muna sya para mag hintay saglit sa paglabas ng tao, para sya naman ang susunod mka pag cr.
Alas dies na di pa lumalabas..
Nakita ko nalang kinakatok na nito ang pinto at hinihila ang handle bar ng naturang cr.Pero wala paring lumalabas. Hinayaan nalang nya. Bka anya nagka Lbm.
12:30PM
Lumapit ulit ang isa pang empleyado sakin,ihing ihi na raw sya pero parang may tao raw sa cr kase di mabuksan at naririnig din nya ang lagaslas ng tubig.
Nagsimula na akong maalarma.
E pano naman,kanina pang di mabuksan yung pinto.
Baka nahimatay na yung tao ruon!!!
Sinubukan kong hilain yung handle, pero diko mabuksan. Sinubukan ko ulit, ayaw pa rin. Kinatok na namin ng kinatok,walang sumasagot. Pwersahan na talaga naming binubuksan ayaw parin.
Pero bakit parang pakiramdam ko....
Nananayo mga buhok ko sa ulo at braso.... pero
sa kabilang parte lang ng katawan ko? Left side.Nakiramdam ulit kami pero wala pa rin.
Nakialam ang isa pang empleyado at tinanong sa amin kung anong nangyayari,bago paman ako gumawa ng hakbang na ipaalam sa management mga nangyayari.
Isinalaysay ko naman sakanya.
"LG,nananayo balahibo ko" sabi nya.
Sa isip ko,akala ko'y ako lang ang nakakaramdam nang kakaibavsa oras na yun.
"Ako rin. Pero bakit kaya? Pakiramdam ko,may kakaiba. Parang may mali" Sabi ko naman.
Sumunod sya sa akin nung tangkain ko ulit buksan.
Tinititigan lang nya yung pinto.
Mga 10 segundo,pumikit sya. Pag mulat nya.....
Sinubukan nyang buksan.
Nabuksan nya yung pinto!
Pero ang ikinagulat namin,WALANG TAO!!
Tanging ang faucet lang na naka bukas ang nadatnan namin.
Pagka bukas nya ng pinto pakiramdam ko nun,
tumaas ulit mga buhok ko.. At nanlalamig ako.
Everytime may nararamdaman ako nanlalamig ako. Ewan ko ba kung bakit.Agad agad akong lumabas. Ayaw ko na talagang maka kita pa kung may magpapakita pa man.
Pakiramdam ko kasi mawawala na ako sa katinuan ko, medjo nasasanay na ako noon.
Noong bata pa ako na nakakakita.
Pero ilang taon ang lumipas na di ako nakakakita at nakakaramdam. Naging matahimik ang buhay ko.
Pero ngayon,bumabalik ulit.
Ayoko na. Kaya naman automatic ang paglabas ko.
"Grabe anlakas nung naramdaman ko Lg. May nakita ako kanina bago ko tuluyang mabuksan ying pinto. Itim na usok." Dagdag pa nya.
"Salamat sa Dios wala naman akong nakita. Tama na yung mild na nagpaparamdam sila,wag na nga lang sanang magpakita pa." Sagot ko naman.
Ang cr na yun. Napaka misteryoso para sa akin.
Sana lang,wag na nga silang magpapakita pa.
==END==
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystère / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe