karanasan naman ito ng hipag ko na si Mj..
high school pa lamang sya nung naranasan nya ito. nakikitira pa lamang kami sa lola ng asawa ko noon.Nasa labas kami noon isang dapit-hapon. medyo may kadiliman narin dahil narin siguro black out ng mga oras na yun.
nasa labas kami dahil maiinit rin.
"antagal naman ng ilaw. nakakainis!" ani Mj
"maya maya baka mayron na rin yan" sabi naman ni amang.
saglit lang at umalis si amang sa kumpulan namin kasi wala si inang.
kwentuhan kami. biglang natutok ang mata ni Mj sa bukas na main door at lumaki ang mga mata. maya maya pa'y nagsisisigaw sila pati ibang mga kapatid nito.
"bakit?! anong nangyayari sa inyo??" tanong nina mama.
takbuhan sila sa kanya.
"may nakita ako! matandang kuba na naka puti sa may kusina pabalik balik! at pumasok sa kwarto" palahaw ni Mj
nahintakutan kaming lahat kasi wala namang matanda kaming kasama. di naman pwedeng si inang yon dahil di sya kuba. isa pa, malusog si inang.
at nung panahong yon ay abot tanaw namin kinaroroonan nina amang at inang.kaya kita namin kung papasok siya.--------------------------------------**
SINO YUN????
Hanggang ngayon,puzzle parin sa amin ang pangyayaring yun.
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe