Sa pinapasukan ko po ulit ito.
May mga nararanasan kasi akong kakaiba. Hindi lang po ako,pati mga kasama ko.
Galing ako ng cctv booth nang nakaramdam ako ng panunubig.
Bago ako makarating sa pasilyo papuntang cr,may naulingan akong dumaan papasok. Diko na nakita ang mukha at damit kung empleyado ba o customer...
Nagtanong ako sa entrance lady guard
Pagkalipas ng ilang minuto baka kase tumae kaya natagalan.
"LG,nakita mo ba kung sino yung pumasok sa cr? Ihing ihi na talaga ako e"
"Ha?! E wala namang pumasok jan. Kanina pa ako dito wala pang dumaraan jan" anya
"Ano??? Meron talaga. May pumasok jan kanina. Naka puti pa nga e. Baka kako customer o empleyado." Sabi ko.
"Grabe ka. Wagka naman magbiro ng ganyan. Tinatakot mo ako e. Wala naman talagang pumasok jan." Dagdag pa nya na parang nahihintakutan na.
"Aba kung walang pumasok jan, ay sino yung nakita ko???!" Sagot ko.
Sabay namin tsineck yung cr.......
Wala talagang tao!!!
Baka multooooo!!!
Sabay pa kaming lumabas ng cr sa takot.
Hindi nalang kami nagkwento sa mga empleyado baka matakot pa sila. Super creepy talaga. May nakita talaga ako. Sino kaya yun???
Hanggang ngayon wala pa talagang sagot.
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe
