----** may kinalaman po ulit ito sa kwentong cr. Iisang cr din po sya na dating may tumakbong papasok na wala namang tao sa loob....
Nasa work ako that time.
Naiihi ako kaya dumiretso ako sa cr.
No choice naman po kasi kaysa naman bigla nalang pumutok panubigan ko hehe..
Pagpasok ko palang sa loob....
"Parang medyo malamig dito sa loob ng c.r , a.. sarap sa pakiramdam" nabanggit ko sa sarili ko.
After a moment......
May naririnig akong umaawit. Dinaman ako nagtaka kasi malapit sa entrance post ang c.r kung saan naka post ang kasama kong lady guard.
Malamig sa pandining awit nya. Ganda ng boses!
Paglabas ko,nangingiti ngiti ako.
"Ganda pala ng boses mo LG ah! Ano bang title ng inaawit mo kanina?" Tanong ko
--> (LG-lady guard)
"Ha? Hindi nga ako kumanta e. Pramis du talaga ako kumanta. Kanina pa nga kami nag uusap ni Rommel dito e" sabi nya
Hindi naman ako naniniwala.
Pero kahit papaano,
Nasindak ako. Pakiramdam ko, lumalaki ulo ko. At nanlalamig mga kamay at katawan ko.
----------------------------------------------
Ito naman karanasan ng kasama kong lady guard. The same c.r pa rin.
Pumasok sya sa C.R para umihi bago sya mag log out for her lunchbreak. Ako ang pansamantalang himalili sa pwesto nya.
Paglabas nya, nagsalita sya...
"Uy Lg,sino naman kaya ang naninigarilyo kanina jan? Haist! Grabe yung usok pumapasok pa sa c.r kanina. Kainis!" Maktol nya.
"Ay naku.... wala naman kayang naninigarilyo kanina dito. At kung meron man,nasita ko na sana agad ah!" Sabi ko naman.
Agad agad syang lumabas ng cr sa sobrang takot..
Alam na naming pareho na may nagpaparamdam nanaman dun.
Ano kaya ang pakay nila?
Bakit lagi silang nagpaparamadam?
Ikaw? May nagpaparamdam din ba sayo?
O baka di mo lang napapansin sila?
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe
