elementary pa kami nito nung mangyari ito. sa lumang bahay na unang nirentahan namin.
nagkasakit kapatid ko noon. magugulatin sya at sakitin. 1week na syang ganun. wala namang makitang sakit sakanya ng doktor kaya laboratory lang at observation,pinauwi na kami. sa bahay, may alam kasi sa pag aal bularyo si mama ng kaunti.
itinuro ng namayapang manghihilot at magtatawas sa amin.
no choice na si mama kasi siyempre bilang ina,di mo kayang tiisin anak mo na nagkakasakit.may inialay si mama na pagkain sa isang biyak na bao at tubig sa isa pang kabiyak ng bao ng niyog. may dinadasal sya noon.
pinanunuod namin sya ng kapatid ko. ngunit pinapasok kami ng bahay dahil bawal daw manuod.nasilip nalang naming iniwan nya ung mga bagay na yun sa isang puno ng niyog na putol. i mean,kalahating katawan nalang ng niyog kasi ginawang poste yung mapapakinabangang katawan.
ilang minuto lang ang lumipas,kitang kita nya na bualiktad lahat ng nasa bao. na parang nagwawala yung gumawa nun. bumaba ung may ari ng bahay at ikinuwento ni mama lahat. may mga sinasabi si lola (landlady) pero diko na pinakinggan parang may bagong ini a advice si lola kay mama.
after 2weeks,gumaling din kapatid ko.
day after that incident....
wala si mama at kapatid kong si criselda (nene)
si papa nasa work sa bacnotan cement.mag isa ako sa bahay. di naman kasi ako pala labas. basta may libro or radyo o tv, okay na ako. nakatulugan ko ang pagbabasa sa kama namin.
dapit hapon na nung maka uwi sina mama. nagulantang nalang ako sa pag hiyaw nya. bigla ang tayo ko at humangos sakanya.nung nahimasmasan sya,saka ko lang naintindihan ang pag hiyaw nya.
may nakita raw syang katabi ko. malakaing lalake,maraming buhok sa katawan. naka dekatro na nakahiga at may napaka laking tabako!
napaisip kami kung sya din kaya ang dahilan ng pag taob ng mga alay ni mama sa bao ng niyog?mula nun,wala na kaming nakikita pa na kapre. o sadyang nagpakita lang sya nung araw na yun? totoo kaya sila? o diablo nga talaga sila pero nililinlang tayo upang maniwalang may ibang nilalang pa nga.
kayo na po ang humusga.
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe