karanasan ng anak ko po ito at kaklase nia.
Sa pampublikong paaralan lamang na enrol ang magkapatid na Cheryl at Yvonne.
Sa dinami rami ng mga mag aaral dun, iilan lamang ang naipatayong cr. malawak ang paaralan kung kaya may mga lugar na di nalilinisan agad ng mga janitor. may isang cr na kinatatakutan ang mga mag aaral at iniiwasan ng karamihan.
"Anu na? samahan mo na ako ah!" wika ng kamag aral ni Yvonne na nagpapasama dahil naiihi na talaga ito.
"bakit pa kase duon ka magpapasama e nakakatakot dun e!" sagot naman ni yvonne na nagmamaktol na. isipin pa lamang ay nangingilabot na ito.
dahil mapilit, napilitan na talaga itong samahan.
nasa loob na ng cr ang
kaklase nito at sa labas naman
ng pinto si yvonne naghintay.
naka sandig si yvonne
sa pader katabi
ng pinto ng cr nang may
marinig itong
patakbo takbong nilalang sa loob.
binuksan nito ang pinto upang
makumpirma ngunit wala itong nakita.
"may narinig ka bang tumatakbo?" tanong nito sa kaklase
"ano ka ba, wagka nga manakot!" sagot nito.
isinara na nito ang pinto
at bumalik sa
pagkakasandig sa pader.
NANG BIGLANG may narinig itong sumisitsit!
"PSSSST! PSSSSST!"
binuksan ni yvonne ang pinto dahil
dun nia narinig ang pagsitsit.
inakala nito na kaklase nia
ang sumisitsit at may kailangan.
NGUNIT WALA.
BIGLANG MAY TUMAKBONG ANINO PAPUNTA SA SALAMIN!!
at biglang naramdaman nitong may kumalabit sakanya!
"EEEEEEEEEEE!" sigaw ni yvonne
at pati pala ang kaklase nito ay tumatakbong sumisigaw rin!
tinanong nila ang isat isa at nagkwento ang kaklase nito na may nakita raw siyang bata na tumakbo at kinalabit siya. sobrang itim raw nito na mata lang ang makikita.
bumalik na sila sa classroom nila na nanginginig parin.
nasalubong nila ang titser nila ng oras na yun papasok din ng rum.
Yung mukha ng teacher nila nag iba ng anyo sa paningin nila.
tila naka ngisi ito
na pulampula ang
mga mata at may matutulis at
maruruming ngipin.
napaka itim nito at
makapal na mahahaba ang kilay na
naka salubong.
ibinaling nila ang tingin nila sa ibang
direksyon at halos mahimatay at nanginginig na sila sa takot.
"nakita mo yun yvonne" wika nito
"ang ano?" maang maangan naman nito
para dina madagdagan pa ang takot..
"si mam!!!" nakamulagat at dina nito
maitago ang nararamdamang kilabot.
"oo nakita ko rin! maitim na nakakatakot" ani yvonne na nanginginig pa.
sa buong oras ng subject na un,iniwasan nilang tignan ang mukha nito. at taimtim na nanalangin sa kani kanyang upuan.
hangang kinabukasan ay dala dala
parin nila ang takot.
pero nagbalik na ang normal na
paningin nila.
di na sila bumalik pa at nagtangkang gumamit ng cr na un. base sa mga nakausap nila, may bata at matanda raw na nagpapakita dun at mahilig mangalabit. kaya walang nagtatangkang gumamit ng cr na un.
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe