UD... di po ito masyadong nakakatakot pero gusto ko lamang po ibahagi.
Sa bago kong pwesto na dinu-duty-han ngayon.....
Mgay mga yabag akong naririnig papuntang second floor ng opisina.
Di ko naman sila alintana dahil nung una akala ko'y normal lang o may mga empleyado na nag extra overtime ng sabado sa ikalawa o ikatlong palapag.
Pero yun ang malaki kong pagkakamali!..........
---------------------------------------------------
Araw ng sabado, sarado ang building na pinagtatrabahuhan ko
(sinadya pong di ilagay ang pangalan ng building pagkat ito'y government office) subalit kailangan ko paring pumasok dahil sakop ng sahod ko ang araw na ito tuwing week-ends.
Pagka upo na pagka upo ko pa lamang ay may mga yabag nanaman akong narinig papunta sa taas na palapag.
Nagkukumahog akong sinundan ang sino mang mga nasa itaas. Baka kasi mga outsiders.
Narating ko na ang 2nd floor,
walang tao o ano mang hayop na maaaring maging sanhi ng mga narinig kong yabag.
Lalo kong nahigpitan ang pagkaka hawak ko sa flashlight ko. Parang kinakabahan na kasi ako. Iba ang pakiramdam ko ng mga oras na yun.
Pero kailangan kong inspeksyonin dahil yun ang isa sa trabaho ko. Ang gawing lugtas ang mga tao at mga pag aari ng kumpanyang pinapasukan ko.
Pumanhik pa ako sa 3rd floor. Last floor na ito sa taas na palapag................
Narating ko ang naturang opisina. Naramdaman ko ang mga mumunting butil ng mga pawis na nagsisimulang tumutulo sa noo ko.
Di na maganda ang pakiramdam ko. Tila maginaw din sa loob samantalang walang aircon pag ganitong sabado dahil walang opisina!
Pag ikot ko sa loob ng opisina, wala talaga akong nakita. Pero ramdam kong parang may mga naka antabay sa akin at naka tingin.
Dali dali na akong bumaba.
At ini report ko sa kasamahan ko ang nangyari.
"Ang tapang mo naman na umakyat pa doon. Samantalang iniiwasan ng karamihan ang umakyat mag isa dun dahil may mga nagpaparamdam daw" sabi ng oic ko
"Ha? Bakit sir? May mga nangyari ba" balik tanong ko.
"Wala naman,pero may mga nagpaparamdam daw jan e. Sa tapat kasi natin na kalsada,may namatay na mag ina. At ang sabi ng mga empleyado jan,may nagpapakita raw na bata at matandang babae sa taas. Kaya iyon siguro ang narinig mo. Yung bata na paulit ulit ang yabag sa hagdan. Hindi lang ikaw ang nakaramdam nyan. Pati ibang mga lady guard na napwesto jan. Ganyan din ang sinasabi nila." mahabang paliwanag nya.
Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot. Iniisip ko,sinundan ko pa sa taas,mga di nakikitang nilalang na pala ang mga sinusundan ko! 😱😱😱😱
-end-
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Misteri / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe
