Mga Nilalang na Gala

1.4K 29 2
                                    

Nangyari ito, at nangyayari ngayon sa building na pinagta trabahuhan ko sa kasalukuyan. Hardware po sya.(cant tell the exact place and name for some privacy reasons) di naman po sya nakakatakot talaga.creepy lang po sya. ;) 
...

Nagta trabaho ako dito as lady guard lamang po. Bilang pinuno ng nasabing detachment,ako ang nag ro roving sa buong nasasakupan ng building at lupa ng store. Bukod sa akin,may malaya ding nakapagro roving. Ito ay ang RIC ng store(sir Rommel) lalo sa warehouse kasi area nya un.

So here the story goes...

Papalapit ako sa warehouse para mag conduct ng roving inspection ko around 6:47 ng dapit hapon nang biglang nasalubong ko si sir Rommel. Dali daling syang lumabas ng warehouse.

"Sir Rommel?" tanong ko
Tumigil naman sya at hinarap ako. Takang taka ako sa kinikilos nya kasi naman parang pawisan sya at malikot ang mata. Naging alerto ako baka may pangyayari sa loob.

"Nanjan nanaman sya!" sabi nya
"Sino? Sinong sya?" balik tanong ko.
"Yung lalake na nagpapakita jan sa warehouse nanjan nanaman sya. Bakit kaya sya nagpapakita nanaman jan?" sagot nya.
"Sino ngang lalake? Anong hitsura? San banda mo nakita? Tanong ko
"Jan sa loob. Sa tabi ng 60x60 na tiles. Naka tagilid sya jan." sagot nya ulit.

Dina ako nagtanong pa. Pumasok ako ng warehouse at dahan dahan maingat na nag halughog.nakinig sa mga kaluskos o ingay. Wala naman ako nakita o naramdaman ngunit kakaiba ang lamig sa loob. Hindi naman sya abot ng aircon kaya di sya dapat ganoon kalamig sa loob.

Pagkatapos ng ilang minuto nag balik ako sa labas. Hiananap ko si sir Rommel at nagtanong tanong pa pagkatapos ko i relay sa manager at mga kasamahan ko nangyari. Iniisip kong baka may isang customer na nagtago at hinihintay alng kaming mag sara para makapag nakaw. Baka may kasama pa na kasabwat sa labas pag close na ang store.

Pero.........

iba pala tinutukoy nya. Hindi pala tao kundi MULTO!!

Matagal na raw ito nagpapakita sakanya. Hindi lang daw sakanya pativraw sa mga piling mga dating empleyado nung wala pa kami dito sa store nagta trabaho.

May bata pa nga raw na nagtatatakbo,minsan naglalaro,minsan natutulog. Payat na payat daw yung lalake. Pero mababait naman daw sila. May parang higante pa nga raw dun. 10feet daw siguro kataas.


Hi di sana ako maniniwala. Pero nung nagkwento mga dating naging guard dito,totoo nga yata.

Yung dating cctv operator daw noon na ladyguard, nakita raw nyang may babaeng tumagos sa loob ng vault room. Mahaba raw ang buhok. Nagsisisisgaw daw ito. Ipina review daw sa head office yung exact date and time baka raw may ibang nakapasok. pero di raw ma play yung pangyayari nung time na yun. Parang na corrupt daw yung time na yun. Ilang beses pa raw nila sinubukan pero wala talaga.

May mga kwento pang may isang binatilyo na papatalon sa isang endcap tapos tatagos mawawala nalang bigla.

Ang naranasan talaga namin ay yung nag close na ang store. Na padlock na lahat ng roll up. Biglang tutunog yung motion detector na halos tumatagal ng ilang minuto. Paulit ulit. Binuksan ulit namin ang store baka may tao pero wala. Sunod na gabi ganun ulit. Minsang pati alas onse o alas tres. Pinababayaaan nalang namin.

Kinilabutan ako sa mga narinig ko. Nagpaparamdam pa sila hanggang ngayon. Kung minsan di nalang pinapansin para di lalong magpapansin.

Pero hangang ngayon nagro roving parin ako dun. Sinusuyod lahat ng sulok. Sa awa ng Dios wala akong nakikitang kakaiba. Wala akong magagawa e. Trabaho ko to.
Bahala nalang ang Dios sa akin :)

GHOST STORIES (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon