MALIGNO

1.9K 32 2
                                    

Sa payak na pamumuhay na nadatnan ko sa pamayanang tinubuan ng mister ko,mabubuhay kana kung masipag kang mag tanim. yun ay kung may tatamnan kang lupa....

Tag araw noon. kaya upang maka tipid,kahoy ang aming panggatong. dahil sa ako'y di lumaki na nakikita ang iba't ibang pwedeng ipang gatong,sumama ako sa biyenen kong naghahanda na rin sa pag lalakbay papuntang bundok upang mangalap ng panggatong nila.

Masaya naming binabagtas ang daan papuntang bundok kasama ang dalawang hipag ko at asawa ng bayaw ko.

Narating naming maluwalhati ang bundok kung saan kami mangunguha ng mga tuyong kahoy. at dahil nais kong makahanap ng mas malalaki at tuyong kahoy,medyo napalayo ako sakanila. sa itaas pa ako pumunta sa medjo masukal na parte.

Bisi bisihan ako sa pamumulot at pagtagpas ng kahoy nang mapadpad ako sa mataas at malaking puno ng sampalok. tuwang tuwa ako pagkat marami rami na akong naisilid sa aking sako.

parang may naulingan ako sa gilid ng mata ko. di naman ako nabahala. sa isip ko, "baka bienan ko o isa sa mga hipag ko"

Ngunit paglingon ko,halos himatayin ako sa pagka bigla sa nakita kong maliit na lalake,naka upo paharap sakin na may ga- platitong pares ng mga mata. ang ulo nito'y pahaba na tila abot hanggang paa nito! may mahabang buhok sa baba at prente lang sa pagkakaupo.

nanginginig akong tumakbo at napadausdos na bumaba patungo sa kinaroroonan nina mama. halos masubsob ako at kanda tapilok ako sa mga nadaanan ko. may mga gasgas narin ako sa mga binti ko.

ibinalita ko sakanila ang nakita ko at di mapawi ang pagka sindak ko. umuwi kami agad pagkatapos non.
ilang linggo ring takot akong tumapak sa bundok at t'wing gabi nama'y diko maitago sa pamilya ko ang takot lalo pag naaalala ko yung pares ng mga mata nyang nakatingin lang sa akin.

-end-

GHOST STORIES (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon