karanasan ito ng mga pinsan ko nung minsang na operahan isang pinsan naming lalake na taga maynila
dito na sa probinsya namin nadiskubre yung sakit ng pinsan namin noong minsang nagbakasyon sila at isinugod sya sa emergency na inoperahan sa isang pampublikong ospital dito sa amin sa la union.
close kaming magpipinsan. at sa sobrang closeness, kami na ang nagbabantay sa kanya sa ospital pagkatapos ng operasyon nya gabi man o umaga. salit-salitan.
gabi sa ospital....
kasalukuyang nagbabantay mga pinsan ko sa kwartong sila lang ang umookupa ng mga panahong yun kaya malaya ang mga pinsan kong bantay sa oras na yun na gawin mga gusto nila. pinili nilang magkwentuhan para mawala ang antok nila. tawanan pa sila ng tawanan (maiingay talaga kami pag magkakasama kapag nagku kwentuhan lalo pag kumpleto kami :) )
nang magsawa,
mga kalagitnaan na ng gabi tumahimik sila. wari'y wala ng maapuhap na ikukwento. at naghahalo narin ang pagka hapo sa tawa at antok mga 30 mins na tahimik sila.
may mga pangyayaring bigla nalang dahan dahang bumubukas mag isa yung banyo ng kwarto na wala namang hangin na pumapasok. naka sara lahat ng bintana at pintuan.. ilang beses nangyari ngunit ipinag kibit balikat lang nila ito kahit pa nangungusap ang mga mata nila na parang nahihintakutan na.
Nang biglang lumutang yung kutsara sa ibabaw ng lamesita! kitang kita ng mga mata nila ang pangyayari! ngunit walang nangahas na magsalita ni gumalaw. may 10segundo itong lumutang at tuluyang bumagsak sa sahig na tinatapakan nila mismo!
kumaripas sila ng takbo sa labas ng kwarto na tumitili. nag uunahan na makalabas ni hindi na naalalang ospital ang kinaroroonan nila at bawal mag ingay.
di naman nakaligtas sa mga nars na attendant ang pagkakagulo kaya nakagalitan tuloy sila.pagka sungit sungit nung nars. pinagpasensyahan naang ng mga pinsan ko ito kasi di naman sya alam nangyari. baka pag ikwento pa nila ay pagtawanan lang sila. kaya nanahimik sila.
bumalik sila sa kwarto na nagtutulakan kung sino ang mauuna. nanalangin sila ng sama sama at di naghiwa hiwalay. para tuloy silang mga may magnet sa isat isa na dikit dikit. pinapanalangin na sana'y umaga na.
kinaumagahan...
di matapos tapos ang kwento nila sa amin nang datnan namin sila. puro puyat ang maaaninag at takot sa mga mata nila, tumatayo pa mga balahibo nila habang ikinukwento mga nangyari. at malakas nilang pinaniniwalaang may nagmumulto sa kwartong yun.
iilan nalang ang nagbabantay sa pinsan kong nagpapagaling nang sumunod na mga gabi dahil na rin sa takot.
hindi naman nag paawat yung nagpaparamdam sa kwartong yun hanggang nailabas na nga ang pinsan namin sa ospital na yun.
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe