nasa isang ospital kami noon dito sa aming probinsya ng La Union
inabot na kami ng dilim sa loob ng ospital dahil sa lagnat di matukoy na pagsakit ng tiyan ng anak namin.
pansamantalang naiwan sa isang bantay ang anak namin habang kami naman ng asawa ko'y naghahanda ng babaunin papunta sa ospital.
nasa loob na kami ng bakuran ng ospital noon ng mapadaan kami sa madilim na parte nito. napaka dilim ngunit nasanay na ang mga mata naming pareho sa dilim habang binabagtas ang daan.
nang may madaanan kaming itim na aso abala sa pagkalkal ng mga naka kalat na plasti-plastik na basura......
"hon,ang ganda namang aso nun no? kawawa namn siguro nagugutom. pano kaya nakapasok yan dito?" saad ko.
walang imik ang asawa ko na ipinagtaka ko naman. malaki talaga yung aso. parang may lahi. parang hanggang bewang ko yata e.
nasa tapat na namin ito ng bigla kaming makaramdam ng kakaibang kaba. pinagpapawisan din kami at parang nanghihina. biglang tumigil yung aso sa ginagawa at parang may isip na humarap sa amin. napatigil kami sa paghakbang! nagkatinginan kami kasi parang kakaiba kumilos yung aso.
nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba kami.
naka tingin sa amin yung aso at biglang nanlilisik ang mga mata.parang nagliliwanag sa dilim yung mga nanlilisik nyang mga mata!
hinawakan ng mahigpit ng asawa ko kamay ko.
"hon wag kang bibitaw ha? wag mo syang titignan. pag sinabi kong takbo tayo,wag kana magtanong" litanya nya.
"hon natatakot ako" at napakapit ako ng mahigpit sakanya. diko maipaliwanag yung kaba at pangangalog ng katawan ko nung mga oras na yun.
"basta wagka bibitaw" muli nyang paalala.
ilang segundo ang lumipas ng parang lalapit sa amin ung aso,bgla kaming nagtatatakbo.
takbo ng takbo na parang wala ng bukas.
parang malulunod na ako sa kaba.nalingunan ko pang hinahabol nya rin kami. nang malapit na kami sa liwanag di na sya sumunod.
grabe talaga yung mga mata nya pag tumingin. nakita ko pa yung galit na galit na mga pangil nya. parang di sya aso. napaka laki nya kung askal nga un. isa pa,puro may bakod,gate yung ospital kaya nakapagtataka na may makapasok na ganun kalaking aso. bukod sa may mga guwardia pa sa buong palibot ng ospital na yun.
"alam mo ba kung bakit di ako umiimik kanina? iba kasi ang pakiramdam ko dun sa aso kanina. parang di sya hayop. at isa pa,walang ospital ang mag a allow ng aso sa loob ng bakuran nila" kwento ng asawa ko.
basta tumatayo parin balahibo ko pag naaalala ko yung pangyayaring yun.
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Детектив / Триллерmga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe