Maligno

898 20 0
                                    

Kwento ito sa akin noon ng

pangalawang anak ko nung

nasa ika 6 taong gulang pa

lamang sya.


Nakatira sila ng ate nya sa

pangangalaga ng

Lolo at lola nila pagkat

sila pa lamang ang mga apo

Nung panahong yun. At nais din ng

lolo at lola nila na

kapiling ang mga apo.

Kami naman ng asawa ko'y nasa

Baguio dahil dun naka kuha ng

maganda gandang uportunidad.


*********************************

Tuwing gabi, magkakatabi sila nina

lolo at lola nila sa pag tulog.

Ngunit...........

Ang gabi pala na ito ay di nya

Aakalaing magiging natatanging gabi

at makakaranas sya ng kakaiba....




Mahimbing ang tulog ng lahat nang

naka ramdam sya ng panunubig.

Gaya ng dati, bumangon sya at

nagtuloy sa arinola na di kalayuan sa

Higaan nila.




Ginhawa ang nadarama nya ng sa

Wakas ay nairaraos nya nag

panunubig. Nakapikit pa habang

nakaupo sa arinola dahil na rin siguro

Sa antok pang nararamdaman.

Ngunit nagulantang sya sa nakitang kayakap ng lolo nya! Nawala bigla ang antok na nararamdaman!....

Nakayakap kay lolo nya na may malalaki,mahahaba at maiitim na mga kuko!!

Sinulyapan nya si ate nya ngunit

himbing din ito sa pagkakatulog

malapit sa likod ng lolo nila.

Ang di nya natiis ay.........

Ang isa pang nilalang na maitim

rin na nakatayo malapit sa kanila

na mapulang mapula ang

mga mata na tila

nakikipag titigan pa

sakanya habang naka

upo pa sya sa arinola!!!

Halos di nya alam ang gagawin ng mga oras na yun........

Di pa nairaraos ng lubusan ang

pag  ihi ay agad syang tumayo at

Bumalik sa tabi ng lola nya sabay

Talukbong ng kumot na laan sa

kanya.

Naramdaman pa raw nya ang pag

daloy ng natitirang ihi sana nya

sa arinola kung di sya nakakita ng ganito.

Nanginginig pa raw sya sa takot

hangga't naitulog nalang daw nya

ang takot at kaba nya.

***********************************

Kinaumagahan, kinwento pa nya ito sa lolo at lola nya. Bilang bata, di pa nya alam ang consequences ng pag kukwento ng mga di pangkaraniwang karanasan. Kaya gaya ng inaasahan, di sya pinaniwalaan at sinabihan pa.

Pero sa amin na mag asawa,dahil nakakaranas din kami ng ganyan since pagka bata, naniniwala kami sa anak namin.

In advice na lang namin sya na mag pray palagi. Dahil pag ang prayer galing sa puso, walang sinuman ang makakapanakit sayo na mga nilalang na tulad nito.

GHOST STORIES (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon