ang ise share ko naman ngayon ay karanasan ng asawa ko noong maliit pa sya....
kamamatay lang ng lolo nya. kapatid ng lola nya. .
Dahil sa pighati ng kanyang lola sa namatay na kapatid,
naniniwala syang magpapakita o magpaparamdam sakanila ito sa ikatlong gabi ng libing.
ang kanyang lolo at lola'y matiagang naghintay sa ikatlong gabi habang ang batang si rigor nama'y unti unting nakakadama ng takot.
ikaw ba naman,naghihintay sa namayapa ang mga kasama mo sa bahay hindi ka ba matatakot?
**Rigor's PoV**
alas 11 na ng gabi,hindi pa sila natutulog. natatakot na ako. pinipilit nila akong matulog pero malas nga naman at di ako dalawin ng antok.
hmmp!
nakakatakot malapit pa naman ako sa pinto ng kwarto baka magpakita sa akin dito. asan na ba sina amang at inang huhuhu... nakakatakot talaga.
-------------------
nakita ni rigor sina inang nananatiling naghihintay sa pagpapakita ng kaluluwa. pero wala talaga.
"matulog kana apok at mapupuyat ka" sabi ni amang
"opo 'mang" sabi ko.
pro dahil sa matinding takot ko,di talga ako nakatulog nun.
namalayan ko nalang na nasa tabi ko na sina amang at inang. nakatulog pala sila sa kahihintay.madaling araw na rin pala.
pero ano yun??
May paa malapit sa aparador!
tila nakatayo ito at di nakasayad ang mga paa nito sa papag!
tinignan nya ito mula paa pataas sa katawan at mukha nito.
kilala ko sya. sya ang kapatid ni inang ko!!
bakit sa akin sya nagpapakita? huhuhu
at lalo siyang nasindak ng unti unting lumapit pa ito sakanya at naglakad lagpas sa kinahihigahan nya! nanalangin sya ng tahimik.
Naninigas na sya at nanginginig sa takot. pinipilit niyang gumalaw at sumigaw ngunit tila umid sya pati yata ang katawan nito'y nanigas na rin!
pinilit nya nalang ipikit ang mga mata at magkunwang natutulog.
kinabukasan, narinig nya sina amang at inang na nag uusap. hindi raw nagpakita yung kapatid nya. inaalo naman sya ni amang.
ikinuwento nito sa dalawa ang mga nakita nya at gulat na gulat sila. ang kaluluwang hinihintay nila nung gabing yon ay sa batang rigor nagpakita.
**end
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe
