We're in a convo with some core group po when 1 of them shared us her expirience sa boarding house na dating tinutuluyan nya nung nag aaral pa sya (and she permitted me to share her story...)
*her pov*
Buhat buhat ko ibang gamit ko sa school dahil makikitulog ako sa katabing room ko na kaibigan ko rin. Wala kasi yung room mate ko. Naka bakasyon dahil sa emergency sa probinsya nila.
Pagpasok ko pa lamang sa katabing kwarto, binirahan na ako ng walang katapusang kwento ni bessie.
Halos di namin ma alala na maaga pa pala kami papasok kinaumagahan.
Magkatapat lang kami ng higaan kasi double deck sya. Double deck din ang kanya. Bale pareho kaming sa baba natulog. Magkatapat kami kaya natatanaw din namin ang isa't isa at nakakapag kwentuhan.
Nakaramdam nalang kami ng antok mga bandang 3AM na.
Nakatulog agad si Bessie samantalang ako parang namamahay.
After 30mins.siguro, atlast nakuha ko rin tulog ko.
Naramdaman kong parang may umupo sa tabi ko!
Di naman sya big deal that time sakin kasi kasama ko si Bessie. Inisip kong bka sya lang yun.
Tapos naramdaman kong parang may humiga sa tabi ko. Naka talikod kasi ako and im facing the wall nung natutulog ako. Pinabayaan ko na dahil sa sobrang antok ko.
Pagkatapos naramdaman kong parang ina alog alog yung deck namin! Paulit ulit at ang lakas!! Iniisip kong si Bessie baka nakihiga. Nakakahiya namang mag reklamo ako e nakikitulog lang naman ako.
Pro ang likot naman nya ha. Nakakainis tuloy :(
Kinaumagahan.....
Nagising ako, nasa kabilang higaan naman si Bessie????. Tinanong ko sya kung tumabi ba sya sa akin, hindi naman daw! E ramdam na ramdam kong may humiga sa tabi ko kagabi!!!
Waaaah!!! Natakot tuloy ako. Lalo nung nakita kong naka install sa cement wall yung pole ng higaan namin kaya imposibleng ma alog ng pagkalakas lakas yung higaan!
Nagkwento yung landlady sa amin after ko na share sakanya yung naranasan ko kagabi. Hindi lang daw ako ang nakakaramdam nun. Marami na raw.
May nagpakamatay daw kasi noon dun na estudyante. Bumagsak sa mga subjects nya at di matanggap ng parents nya. Simula nun, nagpaparamdam daw sya sa ilang mga boarders.
"Pero wag ka matakot ineng. Dika naman nya aanuhin e. Hanggang dun lang sya" dagdag pa ni landlady.
Pero simula nun, dina ko nakitulog sa kwartong yun. Nagpa transfer na rin ng kwarto si Bessie, kasi may naririnig raw syang mga hagulgol dati pero binabale wala raw nya. nagpapatugtog daw sya ng pagka lakas lakas para di raw marinig. Baka guni guni lng daw anya.
Pero ako? Dina bumalik sa kwartong yun! EVER!
BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (tagalog)
Mystery / Thrillermga kwentong totoo na nakakatakot. compilation po ito. mga naging karanasan namin. note: sorry for the typos and errors. Baguhan pa lamang po hehehe
