Comfort RoomIII

868 21 0
                                    

Sa isang opisina na bagong napasukan ko,


Pag araw ng Sabado para sa mga government offices, walang pasok.

Kaya,

Bilang tulong at pakikisama na rin sa mga janitor/utility na naging kaibigan narin namin,tumutulong kami sa paglilinis ng comfort room.





At ako ang na assign doon. Pag araw ng sabado walang ibang tao duon kundi kami lang dalawa ng kasama ko.





Kasalukuyan akong naglilinis sa comfort room ng biglang











Namatay ang ilaw!





"takte naman e! Kung kailan nasa mood na ako mag scrub saka pa nag black out!!"







Bumalik ako


kung saan ang switch


para tuluyan


na sanang i off



para makatipid sa kuryente at di masira ang bulb,




para lamang magulat dahil......






Naka switch OFF ang switch!!!!






Hindi ba dapat naka switch on parin?? Kase nga nag black out? Walang gagalaw.  naisip ko






Lumabas ako ng cr


para makasiguro baka kase binibiro


lang ako ng kasama ko.










Pero pag labas ko,


sakto namang pababa siya


ng hagdan galing


ng 2nd floor.





Hindi ko na naituloy

Ang mga nais kong itanong ko baka

nagkamali

lang ako.





Bumalik nalang ulit

ako sa loob ng cr


para iligpit yung mga gamit ko.


Itutuloy ko nalang ang paglilinis

pag may ilaw na dahil narin sa

sobrang dilim.

Inaayos ko na ang mga gamit ko....




"CLICK! CLICK! CLICK!"
tunog ng switch




Napangiti ako kase sa isip ko,maaaring yung kasama ko nga ang nagbibiro sa akin na nag switch ng ilaw.







"CLICK! CLICK!"
tunog ulit ng switch





"Loko to ah! Gugulatin ko nga" sabi ko sa sarili habang bitbit ang mga gamit ko panlinis.








"Ano bang balak mo sa switch lagi mong pinipindot? Hahaha!" tawa kopa habang binabanggit ang mga salita.






Ngunit walang tao!



Pakiramdam ko,


binuhusan ako ng

malamig na tubig sa pagka bigla!

Hindi ko alam

kung magsasalita ba ako

o kakaripas ng takbo!




Nang biglang,

"CLICK! CLICK! CLICK! CLICK!"





Kitang kita ko!


Ang pag on and off ng switch!

Ngunit walang humahawak o pumipindot nito!!!!





Sa sobrang pagkataranta ko

Kumaripas ako

ng takbo palabas kahit nanginginig pa ako.

Diko na rin matandaan

kung sinadya ko bang iwan

mga gamit ko panlinis o


nahulog ko ang mga ito.








Kinabukasan ko nalang kinuha ang mga gamit ko.
Hindi na ako pumasok sa cr ng maghapong iyon.



Diko na rin na kwento

Sa mga kasama ko

Na baka kantyawan

lang ako

O sabihing imahinasyon

Ko lang iyon dahil

Sa takot.




                           -----end-----

GHOST STORIES (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon