KAWAYAN

5.2K 71 8
                                    

experience naman ito ng lola puring (Flora) namin. si lola ay maraming karanasan sa kakatakutan.
ewan pero nakalimutan ko na kasi mga ibang kwento nya. umpukan  kaming mga apo nya pag nagkukwento sya. pero ulyanin na kasi sya ngaun dahil sa katandaan na rin kaya diko na makukulit sa mga kwento nya. love u lola!

(super short story)
**-----------------------------------------------**

Ito ay nung panahon ng mga kadalagahan pa raw nya.

bago ka kasi makarating sa baryo nila,may dadaanan kang masukal na daan.

masukal pa sya noon dahil konti pa ang mga naninirahan noon.

karugtong nung daan ay tulay naman na kahoy na pinagtulung tulungan dati ng mga kababaryo upang maitayo.

isang gabi,naglalakad raw sila pauwi. inabot na raw sila ng gabi galing ng bayan.

kasama ang ilang mga pinsan at kapatid tinahak nila ang masukal na daan.

(bago kasi ang tulay may kumpol ng mga punong kawayan kang madadaanan at talagang napaka dilim kasi nga di pa uso ang mga street lights noon)

so ayun,kwentuhan sila upang kahit paano'y maibsan ang mumunting pagod...

pagdako raw nila sa punong kawayan, biglang yumuko ang mga sanga nito at tila tinatakpan ang dapat sanang daraanan nila.

sindak at kaba!

yan ang namayani sakanila ng mga oras na yon. nais na nilang tumakbo sa pagka bigla at takot ngunit may isa raw sakanilang naglakas loob na nagsalita sa ilocano,
(translate ko nalang po)

"sino man po kayo,makikiraan lang po sana kami. wala po kaming balak o nais na masama. nagpapaalam po kaming matiwasay na makikiraan"

ilang segundo lang daw ang lumipas, bumalik raw sa dati ang ayos ng punong kawayan.

Lakas - loob raw silang patuloy na naglakad habang nagsisitaasan unti unti ang kanilang mga balahibo at nang medyo nakalayo layo'y unahan sila sa pagkaripas ng takbo.

-----------------------------------------------**
sa totoo lang,maraming kwento ang kawayang yun. napaka kapal nito at malago sya. naabutan ko pa nga ito e. ngunit nang makapangasawa na ako'y pinatay na yata. malinis narin ang daan at may mga kabahayan na. pero noong panahong yun,marami talagang kwento ang mga matatanda. hindi lang si lola pati mga matatanda na tumanda narin doon.

                           -----end----

GHOST STORIES (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon