Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Maine's POV:
Kanina pa ko pasikot-sikot sa bawat kwarto sa kalangitan para hanapin si Dyosa Nidora. Siya ang diyosa sa kalangitan. Masasabi kong isa siya sa pinakamabait at pinaka-mapagkaka-tiwalaan pagdating sa mga problema. Mabuti siya sa kanyang mga nasasakupan kung kaya't hindi naisasalin sa iba ang kanyang korona. Bagamat may kapangitan ang mukha, manipis ang kilay, may katabaan at may bukol-bukol sa mukha, hindi iyon naging hadlang upang ibigay sa kanya ang korona na maging diyosa sa kalangitan. Deserve naman niya 'yun dahil nga sobrang bait niya. Kung minsan may topak lang talaga lalo na kapag sinusumpong. Madaming naiisip na kung ano-ano pero ang nais niya lang naman ay ang para sa kabutihan ng nakakarami. Siya na din ang kinikilala kong ina dito. Sa tinagal-tagal ko na sa langit, itinuring niya na din ako na tunay na anak. Hindi ko alam ang nakaraan ko. Ganun talaga kapag nasa langit ka na, mawawala lahat ng ala-ala mo sa nakaraan. Wala kang mararamdamang sakit, poot at galit. Puro kasiyahan lang na parang isang batang walang kamuwang-muwang sa mundo.
"Nakita mo ba si Dyosa Nidora?" tanong ko sa isang kasamahan.
"Hindi ehh.." sagot naman niya sa akin.
"Ahh sige, salamat. Kapag nakita mo, pakisabing hinahanap ko siya." Bilin ko sa aking napagtanungan.
Masyado kasing malawak ang kalangitan kaya hindi ko din basta-basta makita si Dyosa Nidora. Saka dahil nga isa siyang itinalagang diyosa, kinakailangan niyang bantayan ang kanyang nasasakupan. Hindi lamang dito sa amin kundi maging sa ibabaw ng lupa, sa Earth. Sa mundo na punong-puno ng kasalanan at tukso. Sa mundo na punong-puno nang gahaman sa pera, uhaw sa atensyon at kulang sa pagmamahal. Sa mundong punong-puno ng problema at kaguluhan. Ngunit naniniwala parin ako, na kahit ganun ang sinasapit ng tao ay masarap paring mabuhay sa mundong iyon. At hindi lahat ng tao ay masama ang intensyon. May mga tao paring handang magmahal, bukas sa pagtanggap ng kamalian at handang magpatawad sa kapwa. Bawat saya, may limitasyon. Lahat ng sarap, may hangganan. At hindi habang buhay aayon ang lahat ng bagay sa kagustuhan ng isang tao lang.
"Nakita mo ba si Dyosa Nidora?" muli kong tanong sa iba matapos ang ilang minutong paglalakad. Halos ginalugad ko na lahat ng pwede kong mapuntahan na pinupuntahan ni Dyosa Nidora pero hindi ko parin siya mahanap. Kailangan ko kasi talaga siyang makita ngayon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa alaga ko. Pasaway! Oo tama nga, lahat kami dito sa langit ay may binabantayang tao na naninirahan sa mundo. Bawat anghel sa kalangitan ay may alagang tatlo na dapat bantayan at gabayan hanggang sa lumaki at matutong gumawa at magdesisyon ng tama.
"Hindi ko alam—"
"Ayyy nakita ko si Dyosa Nidora!" singit naman nang isa niyang kasama. Nabuhayan naman ako ng lakas ng loob nang marinig ko iyon. "Si Dyosa Nidora ba kamo? Nandun sa may sabungan."
"Sabungan?" pagtataka kong tanong. Ngunit salamat at may nakapagturo na din ng destinasyon ni Dyosa Nidora. Bakit may sabungan? Ewan ko. Hindi ko alam pero parang ganun lang din ang makikita mo sa langit. Yun nga lang mas maganda kumpara sa mundo ng mga tao. Tila isang paraiso na sobrang ganda, Kahit sinong makarating dito ay nanaisin nang manirahan nang matagal. Simple, payak, tahimik, walang polusyon, payapang namumuhay at uulitin ko, walang kasing ganda.
Nagpasalamat na ko sa kanilang dalawa at nagsimula na namang maglakbay. Para akong si Dora. Kulang na lang may kasama akong unggoy na naglalakad at nakakapagsalita din. Kaloka! Urgent lang kasi kaya ko hinahanap si Dyosa Nidora. Kung bakit kasi pagala-galang Diyosa. At ano namang ginagawa niya sa sabungan? Sinong kikitain niya dun? Parang ngayon ko lang nalamang napunta si Dyosa Nidora sa sabungan. Ayyy! Hindi ko din pala alam na may sabungan, ngayon lang din.
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...