Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Alden's POV:
"Kilalang-kilala kita Alden.. Pero hindi pa ito ang oras para makipagkilala sa iyo.. Wag kang mag-alala, makikilala mo rin ako sa tamang panahon.." sambit ng babaeng nasa harapan ko.
Napabalikwas ako sa kama. Nakita ko na naman ang babae sa aking panaginip. Sino kaya siya? Bakit niya ko ginagambala sa aking pagtulog? Ano kayang ibig sabihin ng mga panaginip ko? Hindi ko masyadong matandaan ang mukha 'nung babae sa aking panaginip pero sa pakiwari ko, maganda siya. Maganda kasi ang kanyang boses. Nakakapanghalina sa kahit sinong makakarinig.
Tumingin ako sa orasan ko na nasa side table, alas-siyete na pala ng gabi. Seriously? Ang haba pala ng tinulog ko ngayon. Sabagay rest day ko naman kaya okay lang naman siguro kung matulog ako ng matulog. Besides, ngayong gabi pa naman talaga ang gising ko dahil may gimik na naman akong pupuntahan with Duhriz.
Si Duhriz 'yung kababata ko na may gusto sakin, or should I say na, patay na patay sakin. I'm sure hanggang ngayon, she still looking forward na maging kami. Grabe 'yung babae na 'yun. I'm trying to be nice naman kay Duhriz kahit matagal ko nang sinabi na wala akong gusto sa kanya. Pero siya lang 'tong makulit, na piliti sinisiksik ang sarili niya sakin.
She lives in Italy after we graduated in elementary. Halos ayaw niya nga 'nun sumama dahil daw maiiwan niya ako rito. Ganun katindi ang feelings niya para sa'kin. Well hindi ko naman tine-take advantage 'yun to think na mas mayaman ang pamilya ni Duhriz kaysa sa amin. 'Nung nasa Italy na siya, todo chat ito sa'kin. Hindi ko na nga siya nire-reply-an minsan dahil nakukulitan na ko sa kanya. And after how many years, ngayon na lang ulit kami magkikita. I wonder if she's now pretty and sexy. Balita ko kasi maraming chiks sa Italy.
Tinawagan ako ni Duhriz na magkita raw kami sa Bistro Bar malapit sa Malate. Hindi na din naman ako nagtaka na si Duhriz nga ang tumawag dahil sinabi na sa'kin ni Lola Tinidora na dumating na ang kababata kong babae. Siya lang naman ang kababata kong babae dahil puro lalaki na ang mga naging kaibigan ko. Magkumpare kasi ang daddy ko at ang daddy niya at magkasosyo pa sa kanilang business kaya kapag may mga hang-outs, lagi rin kaming magkasama.
Speaking of Bistro Bar, hindi pa ko nagagawi doon pero maganda daw ang place so pumayag na ko. Baka mag-taxi na lang ako kasi hindi ko alam ang way papunta doon. Wala din naman akong gala today. Walang ibang gimik na pupuntahan at wala pa ring nag-yayayang makipag-karera-han sa'kin. Mga weak! Alam yata nilang hindi nila ako kayang talunin. Haha.
Nag-ayos na ako ng gamit papunta sa bar na sinasabi ni Duhriz. Nagsuot lang ako ng t-shirt na puti na hapit sa'king katawan at shorts na kulay black na tinernuhan ko ng sapatos na vanz. Nag-shades din ako kahit gabi na. Mahirap kasi at baka mapagkaguluhan pa ako. Ang huli kong ginawa ay nagpabango at saka bumaba papunta sa labas upang humanap ng taxi. Oo nga pala, I forgot to tell na nasa mansyon ako at wala sa condo dahil wala naman akong inuwing babae ngayon. Siguro baka mamaya meron na.
Habang naghihintay ako sa driver namin upang ihatid ako sa labas ng subdivision para maghanap ng taxi ay napansin ko ang isang babae sa gilid ng gate ng mansyon. Nilingon ko ito at ngumiti naman siya sa akin. Kilala niya ko? Well, I guess madami namang nakakakilala talaga sakin. Isa ako sa mayamang angkan ng mga Richards. But if you're going to ask me if I know her? My answer is "NO".
I'm waiting here for almost fifteen minutes pero wala pa rin 'yung driver ko. Buwisit na 'yun! Bukas sisisantehin ko na agad 'yun. Paghintayin ba naman ako.
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...